Thursday, December 19, 2013

IN GOD'S PERFECT TIME.

MAY mag-asawang matanda na ang nagpunta sa isang hotel sa isang syudad. 50th anniversary nila nun kaya excited sila na makarating at makatulog sa isang napakaganda at napakakilalang hotel sa syudad. Sa pagpasok nila sa hotel, sinamahan sila ng isang lalaki para magtungo sa kwarto nila. Pumasok sila sa isang silid.
Nagtaka ang babaeng matanda at ito ay napabulalas..”Bakit dito mo kami dinala!! ang sikip sikip ng kwarto na to! Walang bintana o aircon man lang?! Ni wala akong nakikitang kakaiba at kama?! Aba Utoy, kung ganyan lang din naman dito, aalis na lamang kami ng asawa ko!!”

Natahimik ang lalaki at nagwika:”LOLA, wla pa po tayo sa room nyo.. ”Elevator palang po ito”

Ang buhay ng bawat tao ay puno ng mga karanasan at mga pangyayaring bumabago sa tao.
Natawa ako sa istoryang to. Pero behind the story is a lesson that everyone must realize.God give us problems. Nice fact: kung gaano man kalaki ang problema mo sa buhay mo, Ganun din ka laki ang puso mo.
Kung wala man ikaw ngayun ng mga bagay na hinahanap mo sa buhay mo, iyon ay dahil may reason si God para dun. Malay mo may mas magandang plano pa sya para sayo. Waiting is a virtue. :) Oftentimes, we blame God. Ba’t ganun Lord?!, Di nyo ba ako mahal?!, Anung nangyayari sa buhay ko?

Tulad ng istorya sa taas, malalaman mo na sa simula kailangan mo lang maniwala na kung dinala ka ng Diyos sa masikip na lugar, asahan mong pagkatapos nun ay dadalhin ka nya sa isang maganda at magarang kwartong pinapangarap mo. Magtiwala ka lang sa itaas.

Ngayon, asa stage ako na asa elevator, masikip. madilim. Pero alam mo, mabait sya, kasi naglalalakbay ako sa elevator na kasama ang mga mahal ko sa buhay. puno ng tawa at mga pangarap.

Alam ko magriring din ung elevator at dadalhin ako sa lugar na plano nya saken. At excited na ako :D

Smile ka lang. :)

Tuesday, March 5, 2013

You Don't Need DSLR Camera to Have Perfect Shots.

           Today, I'll share you my dear readers my photos just using my Sony Cybershot Point and Shoot Camera. I'm always envy to my friends who have a DSLR camera. I thought having this cool gadget will make my photos beautiful and good But I found out that it's not true.

        In 2011, I bought this Sony Cybershot ( I cant afford to have a DSLR so I just bought the cheaper one). At first I'm noob in using my new camera but later on I'm starting to love my shots. It's always been a frustration of mine to be a photographer someday (my friends as models as well :P). Photos below were the results of my very first click.



Very simple shots yet I find it so cool. And the best thing about -- they both love the shots. :) 

Months passed, I used to master my camera's functions. Wherever I go, I'm always with my camera. Here's some of my best shots using my camera.

The MOA Eye-- SM Mall of Asia
My niece and cousin took pose in our province. So cute!

A friend of mine, May Ann. I used to put watermarks 'Denxo's Craft' every time I post my pictures.

I also captures food. I so love macro photography.


My niece in her emo days. HAHA I can't believe I captured her like this one. 

I called this shot as the balloon vendor. I guess you guessed the title already. It's obvious. 

I really love this shot. I shot this when I was so down and alone.

I shot this when I went home in Mindoro. They're so happy .


       These are some of my shots that I want you guys to see. It's simple and not that amazing. But trust me, these pictures really mean to me. Even though these are not that captivating, whenever I see them, it always making me smile. The bottomline here is that, It's not the gadget who makes you a photographer. It's your passion for it. Having just a point and shoot camera makes me feel like I'm one of those pro's. I may not earning money for my photos but I'm earning smiles and friendships. Photography means a lot to me. Not to impress people but to express and to capture every moments I have with my family, friends and the earth. You don't need to have a DSLR to be a photographer, you have to have passion. 

"Having a DSLR doesnt make you a photographer, DSLR owner perhaps
                                                                                             -Anonymous. 
Have a blessed week! :) 


Friday, March 1, 2013

Maghintay, Magtiwala.


Dalawang Kwento

Unang Kwento:


Kalakasan ng bagyong Ondoy:
Isang lalaki ang nanatili sa kanyang bahay. Kahit lumalaki na ang tubig ay nanatili pa din sya sa loob ng bahay nila. May dumaang Bangka sa tapat ng bahay nila.

Rescuer: Pare! Halika na ditto, tumataas na ang tubig baka malunod ka?! Iwan mo na ang bahay mo at sumama na sa amin!

Juan: Hindi pare, nagdasal ako ke Lord! Huhupa din yan mamaya. May tiwala ako sa kanya!
Umalis ang rescuer at nanatili si Juan sa kanyang bahay. 3 oras ang nakakaraan at ang tubig ay lalong tumaas. Si Juan naka-upo sa bubong nang biglang may helicopter na dumaan.


Rescuer: Pare, sumama ka na sa amin. Tataas pa ang tubig! Halika na at ililigtas ka namin!

Juan: Hindi! Nagdasal ako ke Lord! Huhupa din yan mamaya! May tiwala ako sa kanya!

Umalis ang helicopter at naiwan si Juan. Hanggang sa patuloy na tumaas ang tubig at si Juan ay namatay.
Sa Langit: Galit na galit si Juan na pumunta ke Jesus.

Juan: Lord, bakit ganun? Bakit mo ako pinabayaang mamatay?! Nagdasal naman po ako ah? Bakit mo ako pinabayaan?


Jesus: Aba?! Ewan ko? Basta ang alam ko nagpadala ako dun ng isang Bangka at isang helicopter?



Ikalawang kwento:

Lumubog ang barko at isang lalaki ang nakaligtas. Dinala sya ng alon sa isang isla. Nagdasal sya ke Lord n asana may dumaang mga barko para marescue sya. Dumaan ang mga lingo at bigo sya na makaalis ng isla. Nag decide nalang sya na gumawa ng bahay sa isla at dun nalang manirahan.

Isang araw, sa di inaasahang pangyayari—Nasunog ang bahay na tinayo nya. Halos galit nag alit ang lalaki sa pagkasunog ng bahay nya.

Lalaki: Lord! Anu po bang kasalanan ko sa inyo at pinahihirapan nyo ako ng ganito?! Tinanggap ko na nga po na ditto nalang tumira pero anong ginawa nyo? Sinunog nyo pa po ang bahay ko?
Halos galit at poot ang naramdaman ng lalaki. Makalipas ang ilang oras—may dumating na barko. Laking tuwa ng lalaki at sa wakas tapos na ang paghihirap nya.

Lalaki: Pare, paano nyo ako natunton sa isla na ito?

“Nakita kasi naming pare yung usok na ginawa mo e.” wika ng tumulong sa kanya.


            Sa magkaibang kwento sa taas sumasalamin ang dalawang magkaibang bagay tungkol sa pagdadasal.  

        Sa unang kwento, nakita natin kung paano napahamak si Juan sa pagmamatigas. Gumagawa si Lord ng paraan para matugunan ang panalangin natin pero minsan, hindi natin ito napapansin kasi gusto nating ipagpilitan ang gusto nating mangyari.   

         Sa ikalawang kwento, sinasabi sa atin na lahat ng bagay ay may tamang panahon. Hindi parang soda machine ang pagdadasal na kapag hinulugan mo ng barya agad na ibibigay sayo ang gustuhin mo. May panahon para sa lahat.

 Matuto tayong magdasal, maghintay at magtiwala sa kanya. Pero sabi nga—Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


Kaya magdasal lang ng may kababaang loob at gumawa tayo ng tama.

“Prayer is not asking. It is a longing of the soul. It is daily admission of one's weakness. It is better in prayer to have a heart without words than words without a heart.” – Mahatma Gandhi


Friday, July 3, 2009

Ang Mga Kwentong TXT.




Mga Kwentong Txt at Txt pa rin.



Magdadalwang buwan na pala, hindi ko na namalayan ang panahon. Ngayon, kailangan ko na namang maglagay ng bagong blogpost, sa hiling na din ng aking mga avid readers.

Una, gusto kong magpasalamat sa mga magagandang feedback na natanggap ko sa 2 kong blog. Lalo na yung Buhay Divinista article ko. Salamat na din sa mga walang sawang nagbabasa.

Sa aking sunod na blog post, dahil hindi makarelate yung ibang readers ko sa mga past blog post ko—eto na ang mga kwentong txt. Alam kong medyo mais na ang topic kong ito, pero sana magustuhan nyo.=)

Ang TXT ay isa sa mga masasabi kong pinaka impluwensyal na bagay sa ngayon. Lahat na ata kasi ng tao sa mundo ay meron nito. Sa Pilipinas, marami ng tao ang mayroon nito. (kaya ko naman ito itinacle kc marami ang makakarelate hahahaha).

Maraming mga bagay ang nagawa ng txt para baguhin ang buhay natin, marami tayong tao na nakilala dahil txt, maraming gawaing napapadali dahil sa txt, assignments, malabong lessons, tsismis, balita, walang pasok, tagpuan, planong gawin at kung anu ano pang mga bagay na napapadali ng txt sa araw araw nating pamumuhay.

Uumpisahan ko na ang aking mga kwentong txt. Mga karaniwang nababasa, nangyayari at mga kung anu anong mga txt stories na alam kong majority ay makakarelate.

Mga Sikat sa Txt.

Mga tao at karakter na masasabi kong gumawa at gumagawa ng ingay sa txt world. Narito ang ilan sa kanila.

Ederlyn- hindi ko alam kung tanda nyo pa sya o kilala nyo pero sa pagkakaalam ko sumikat sya sa txt. Ang drama ni Ederlyn ay isang nagpakalat ng invitation sa kanyang birthday at lahat ng txters ay inimbitahan nya para dumalo. Hanggang ngayon hidi ko pa rin alam ang nangyari sa birthday party nya. Teka, sino nga ba talaga si ederlyn? Ahahaha.

Inday- siyempre pa, hindi siya mawawala. Si Inday ay isang katulong na graduate ata ng foreign language major in foreign language. Me ganun? Hahahaha. Maraming tauhan ang umikot sa mundo ni Inday, Ang amo nya, mga foreigner, at pati si Jose Rizal cast din ng life cycle nya. Kalimitan, Nagsisismula ang kwento nya sa pagmamaliit sa kanya tapos susundan nya ng pagpapakitang gilas sa language na yun kalimitan English yung sinasabi nya, meron ding French, Italian, at Spanish na version. At ang last part, sasabihin na Inday Scores again, Nosebleed, o di kaya sasabihan si Inday na mayabang!

Bob Ong- Si Bob Ong ay isa din sa mga sikat sa txt. Kalimitan ang drama niya ay tungkol sa pagpapayo, mga realisasyon ng buhay at payong pag-ibig. Dati, si Bob Ong ay sikat lang sa aklat. Maganda ung mga akda nya.—ABNKKBSNPLAKO, Alamat ng Gubat, Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino, Stainless Longganisa at McArthur—pero ngayon he invades txt na din. Mga common sense, mga bagay na makatotohanan, mga bagay na makakapag-isip sayo. Ang lines ni Bob Ong sa txt ang nagsasabi sakin sa huli na—“Oo nga naman”. Bob Ong.. Bob+ong= Bobong Pinoy. Si Bob Ong ay isa lamang sa mga hinahangaan kong mga author. Magaling. Makatotohanan. Makatao. Makabansa. Balik tayo sa txt, ang tanging karibal ni Bob Ong sa txt ay si Juan dela Cruz. Parang me pagtatalo ata sila dati sa elevator. Ewan ko. Basta tumatak si Bob Ong sa Txt World.

Manny Pacquiao- Ang sikat na boxer ay sikat din sa txt. Kasama sa cast ng message nya ay ang asawa nitong si Jinky at ang mother nyang si Aling Dionisia. Ang drama ni Pacman ay mag-eenglish pagkatapos ay itratranslate yun sa medyo comedy na pakahulugan. Example: sweets- yun pala e switch. Medyo hindi ako natatawa sa character ni Pacman sa txt. Ewan ko ba.=)


TXT Vocabulary:

Napag-uusapan din lang naman natin ang txt, narito naman ang mga kadalasang txt format, acronym at kung anu anu pang mga kakengkoyan sa txt.

BrB- be right back, para sa mga taong may gagawing importante (pero kalimitan hindi na naman nagttxt)

G2G- got to go, simpleng paraan para sabihing hindi na ako makakatxt.

Nyt- short word for gudnyt. Ibig sabihin tinatamad magtxt. Pero para sakin, eto ang suplado word ko kapag galit ako sa katxt ko.

Kaen na- synonym ng tama na ang pagttxt natin at kumain kana dahil ayaw na kitang katxt.

NASL- name, age, sex, location. Para sa mga nakikipag-txtmate ang word na ito.

Guys- ito ang general word para sa lahat ng nasa phonebook mo.

Eow- Pacute na hello.

Gud mowning- pacute na good morning.

Ei – pinaikling Hey?

Hu u- short word for who are you.

Poh, po, pu, poe, pow- tanda lahat yan ng paggalang, pacute na din.

Tc- acronym ng take care.

Gbu- god bless you.

Xoxo- hugs and kisses ata eto. Di ko sure.hahahaha.

Humm- nag-iisip. Kailimitan wala lang display lang, pampahaba ba.

Grrrr- Galit.

Hmft, amf- galit din pero tampo lang

Brrr- Nilalamig

Shhh- Wag kang maingay!

Kung may mga ibang interpretation kayo sa mga binigay ko, aba bahala na kayo, basta yan ang alam ko. Hahahaha..

Mga Icons sa Txt

Mahalaga din ang icons sa txting. Minsan dito ko nakikita kung sincere nga ba ang katxt ko o hindi. Narito ang iba’t ibang icons na ginagamit ng mga txter.

Kapag masaya ka common na ito.
:-) =) n.n (“,) =D XD X) ^.^ at minsan pa nga nakashades pa gaya nito.. 8-)

Kapag malungkot syempre kabaligataran..
:-( =( =c T.T

Kapag makulit..
=P =b


Mga Kwentong Chain Messages

Sumikat din siguro ang mga chain messages sa txt. Pero kalimitan, binubura ko na lang at hindi pinapansin. Minsan kasi hindi na nakakatuwa ang ibang chain message.

Ano ang mga Chain Message?

Ang chain message ay isang mensahe na patuloy na umiikot sa mga txt. Parang Food Chain sa Biology natin. Patuloy itong isinesend hanggang sa mga oras na ito. Malalaman mong chain message ang message kapag nagsisimula ito sa isang phrase, sentence o mga kasabihan. Pagkatapos, susundan ng pls pass at kung anung mangyayari (minsan maganda yung mangyayari minsan naman masama) at ang last part ay pangongonsensya para ipasa ito o hindi kaya ay mga experience ng pagbabalewala at mga karma sa ilang hindi nagpasa.

Inipon ko ang ilang chain messages at i-grinupo ito:

1. Holy Chain Messages- Eto ang mga chain message na panghimala. Wala namang masamang maniwala dito. Why not di ba. Ang kalimitan kong narerecieve na pangalan ng santo e yung sa Birhen ng Manaoag. Ang hindi ko lang maintindihan, paano nila nalalaman kung sa ilang tao dapat yun isend? Clueless.?

2. Death chain Messages- Sa death chain messages, magbibigay ng tao na binalewala ang chain message na yun at namatay. Kalimitan, pati mother mo idinadamay ng chain message na ito kaya minsan isinesend ko ito. Tacute ako e. hahahaha.

3. Cool Chain Messages- Eto ang chain message na medyo me halong comedy. Humm. Minsan yung babala sa ganitong chain message e me halong kalokohan. Halimbawa: Nunal ni Nora, o magiging kamukha mo si Aling Dionisia, o magiging robot ka. Ang routine nito sa last part e idadamay ang kapitbahay, na nangyayari na sa kanya. Minsan trip ko itong ipasa, medyo nakakatuwa kasi. n_n.

Ang chain message ay isa lang simpleng mensahe. Nasa tao na kung maniniwala o hindi. Hindi naman masusukat sa dami ng send mo nito ang faith mo kay lord hindi ba. Madalas, kawawa ang mga walang load sa chain message.=)




Joke, Jokes at Jokes pa

Ang joke ay part na ng txt world. Marami ng jokes ang naglalabasan ngayon. Minsan nakakatuwa, minsan hindi naman maxado.

Narito ang iba’t ibang uri joke sa mundo ng Txt:

1. Pabitin Jokes- ang joke na ito ay naging phenomenon sa txt noon, pero hanggang ngayon meron pa rin nito. Ang drama ng ganitong joke ay magsisismula sa isa o dalawang words o hindi kaya e sentence. Pag iniscroll mo ang message na ito makikita mo ang hidden joke. Tapos sa huli tatawa ang nagsend sayo at sasabihin nya na mais o corny. Minsan may medley akong nabasa na ganito.

For example: ei beh, . . . . . . . . . . . . . . . . . C D E F G H I …etc..
Anchor . . . . . . . . . . . . . . . . .Anchortis

2. Sabi Jokes- ang mga joke na ito ay karaniwang nagsisimula sa ksabihan o di kaya mga hinaing pagkatapos sa kadulo-duluhan ng joke ay ang nagsabi nito.

For example: “Ako na nga ang nasaktan, ikaw pa ang may ganang umiyak jan?”
- Hinaing ng Sibuyas

3. Gay Jokes- kalimitan, dalawang lalaki ang nag-uusap dito. Mga nagkwekwento ng kanilang lovelife pero sa huli sila ding dalawa ang magkakagustuhan.

For example: Guy 1: Pare, may syota ka na ba?
Guy 2: wala pa nga e, ang manhid mo kasi? =)

4. Sex Jokes- mga pangyayari sa rape, sa korte o sa attempted rapes, mga sex moments at kung anu anu pang bastos na message. Hahaha. Ayaw ko ng ielaborate pa. Wholesome ang blog site ko.hahaha.

For example: Nirarape: tulong! Tulong!
Rapist: bakit ka nahingi ng tulong, kaya ko na tong mag-isa!
Nirarape: o kaya daw. Wag na!

Mag-asawa nag sesex:
G: Anselmo! Anselmo!
B: oh sino naman si Anselmo na tinatawag mo! Kabit mo?
G: *$/@!! Ang cel mo nasa toot ko. (bahala na kyo hahahahaha)

5. Everyday Jokes- mga pangyayari araw araw na sinalin sa joke. Mga pangyayari sa loob ng bahay. Usaping Mag-asawa, Magkapatid, Magpinsan at kung anu ano pa.

For example: Daddy, sino si Trixie?
Daddy: ahhh.. yun yung tinatayaan kong kabayo sa Sta. Ana
Mommy: Oh tumawag ang kabayo mo! kausapin mo!

6. Erap- Gloria Jokes- maging ang mga politiko ay walang ligtas sa jokes. Ang routine ng Erap at Gloria Jokes ay ang paguusap nina Gloria at Erap. Ang funny thing sa joke na ito ay ang pagiging pilosopo ni Erap. Minsan cast din si Ramos at si Loi sa joke na ganito.

For example: Erap: Gloria, gusto mong mani?
Gloria: Naku, ayaw ko, tinatagihawat kasi ako sa mani.
Erap: ahh ako sa mukha. Gets? Hoho.

7. Pari Jokes- ang joke na ang bida ay ang pari o hindi kaya ay madre. Pati ang mga pari ay pinagdadamay damay na.hahahaha. Kalimitan, about sa bible, sa himala at kumpisal ang joke na ito.

For example: Bata: Father nakita ko po yung isang pilay pagkatapos magdasal,
tinapon yung saklay nya at nakatayo!
Pari: wow!! It’s a miracle!! Oh asan na yung pilay?
Bata: Ayun father duguan, basag ang nguso.

8. Lolo-Lola Jokes- Bida naman dito sina lolo at lola, Ang drama ng joke na ito ay ang pagfefeeling teens ng nag-uusap na lolo at lola.

For Example: Lola: tayo magtaguan!
Lolo: ayaw ko nga.
Lola: bakit naman?
Lolo: kasi, a girl like you is impossible to find.

9. Kowt for the day Jokes- Ang jokes na ganito ay about sa mga praktikal na jokes na nakakatawa. Minsan, binabago lang yung huling lines ng mga kasabihan.

For Example: Kung kaya ng iba..
Ipagawa mo sa kanila..

Di bale ng walang tulog..
Kaysa sa walang gising.

Joke, joke, joke, joke lang ba’t ka nagagalit, siguro ay tototoo kaya naiinis. Hahaha. Ang jokes ay pampasaya lang sa mundo ng txt. Pero minsan may sense ito. Ang joke ay sumasalamin sa realidad at katotohanan ng buhay. Ganyan tayong mga pinoy e, kahit may problema, tawa lang ng tawa. [ seryoso!! =) ]


Other Forms ng Messages sa TXT:

Bukod sa mga nabanggit, meron ding ilang forms pang txt ang ating natatanggap.

Una na ang tinatawag kong forecast messages—dito, kadalasang nagpapahula ang nagsend say o ng kung anu anong senaryo o mga math equations tapos sa huli nakalagay, no reply, low IQ.

At ang huli ay ang fun message. Para din siyang forecast message na may pinanasagutan. Ang pinagkaiba lang ay hindi ito patalinuhan. For fun lang. example nito ay Huhulaan ng lahat ng nakarecieve nung message nay un kung anung kulay ng shirt na suot nya dat moment at kung sino ang patatlong makaguess, sya ang real love nya.=) cornnyyy..

Love, Romance and Ex’s

Magagalit sa akin ang mga girl reader ng blog ko kung hindi ko ito itatacle. Hahahaha. Ang love messages. Kalimitan, babae ang hook na hook sa pagpasa nito. Ittry kong ilahad sa inyo ang love kowts sa pananaw ko, pag hindi nyo magustuhan, email kayo saken ( tyko_engineer27@yahoo.com ) at ako ng bahalang magpost.

To be continued…

Ikaw? Anung naidulot sau ng txt? (email @ tyko_engineer27@yahoo.com )

Ang Kwentong Ako Mismo




Kwentong Bayan Muna


Bilang isang blogger, siguro hindi ako makakalusot sa usapin ng ating bayan. Marami na sigurong mga blog about this. Pero I want to express my opnion about this matter. May kilala akong may blog din about this na iniinterogate ng prof nya sa UST. Kaya gusto ko na ding i-tackle yung topic.=)

Napansin ko lang na tayong mga Pilipino, masyadong sensitive. Para sa akin ang isang matatag na bansa ay yung ang lider at ang kanyang miyembro ay nagtutulungan, nag-susuportahan at nagdadamyan sa bawat problemang dumadating sa kanila.

Naisip ko lang kung para saan pa ang pagpapatalsik natin kay Erap nun? Para saan na niluklok natin si Gloria na ngayon ay kinamumuhian at pilit pinatatalsik sa pwestong tayo ang nagluklok? Naisip ko lang. Eto na ba yung tinatawag na pagsisi? Pagsisi sa EDSA 2?

Bakit ngayon, bawat umuupong pinuno ay ating pinipilit ibaba? Ang buhay ay puno ng kamalian. Hindi ito perpekto. Kung nagkamali man ang pinuno natin siguro ay kailangan natin siyang ituwid. Kailangan natin siyang itama sa mabuting paraan. Huwag tayong magpadalos-dalos sa mga aksyon na gagawin natin, isipin na ang pag-sisisi ay laging nasa huli.

Para naman sa ako mismo campaign eto ang line ko. “Ako mismo ang susunod sa mga alituntunin ng lahat ng nasasakupan kong responsibilidad.” “Sa sarili ko sisimulan ang mga pagbabago. Magdarasal. Susunod at Magtatagumpay.”

Tama na ang rally, awayan at kung anu ano pang mga pasaring. Maikli lang ang buhay natin. Ang ikauunlad ng bansa natin ay magsisimula sa sarili natin. Kung paano tayo sususporta sa nakatataas, ganon din siya susuporta sa atin. Kapayaan at pagkakaisa lang ang sagot.

Isang taon na lang bago na ulit ang mamumuno sa atin. Sana wag natin siyang hayaang maligaw ng landas, wag natin siyang hayaang gumawa ng mag-isa. Tulong tulong sana tayo sa paggawa ng bagong Pilipinas at ng bagong Pag-asa

Sunday, April 26, 2009

An Accident that Changed Me

“Isang aksidente na nagpaunawa sa akin at nagturo sa akin na magpahalaga sa mga bagay na mayroon na ako…”

Share ko lang ang isang piraso ng aking karanasan sa buhay na hanggang ngayon ay hindi ko makakalimutan. Isang karanasang nagpabago sa buhay ko. Nagbigay sa akin ng aral at inspirasyon.

Nagsimula ang lahat ng noong bata pa lamang ako. Isa ako sa apat na anak ng aking mga magulang. Maagang namatay ang kapatid kong padalawa (Mark Francis) kaya ako na lang ang natirang lalaki.

Lumaki akong kakambal ang salitang “mahina”. Siguro dahil may sakit ako, at hindi tulad ng ibang bata lagi akong nasa bahay. Nagsimula akong magkasakit ng mga bandang Grade 4 at nagpatuloy pa. Bawal akong maglaro ng mabibigat, magpaulan, magpa-araw at tumakbo. Pero ang gusto ko lang sa mga panahong na may sakit ako e, matulog at walang ginagawa sa buhay.

Marami akong hindi naranasan dahil sa sakit na yun, i. e., campings, street dancing competitions, kahit sa School Meet hindi din ako pinapayagang lumaro. Pero hindi ko naman sila masisisi, alam ko para sa akin din naman yun.

Siguro dahil sa pagiging mahina ko, hindi ko naging ganun kaclose ang Daddy. Siguro nararamdaman kong hindi ako ang ideal son nya. I mean it, Mama’s boy ako. Lumaki na akong emo in born. Laging mag-isang kinikimkim ang problema.

Maraming sigaw, iyak at pagtatago sa Daddy akong naransan nung time na yun. Lagi niya akong sinisigawan, kapag umuubo lang ako (siguro dahil pagod na siyang bumili ng gamut para lang sa akin). Umiiyak na lang ako at nagtatago kapag nangyayari yun. Siguro mga ilang beses ko na ring narinig ang salitang “pabigat” sa buhay ko. Minsan nga naging tambayan ko na ang kanal sa likod ng CR e, mas mabuti ang pakiramdam ko kapag nandoon ako.

Mabait naman ang Daddy. Soobrang bait. Laging nagpapatawa. Siguro dun ko namana yung pagiging masayahin ko sa buhay. Pero tulad ng iba, may bisyo siya nun. Mag-inom ng alak. Common na sa Daddy nun ang mag-inom araw araw. Minsan sa umaga, minsan sa hapon. Pero mas masaya ako kapag nalalasing siya. Bakit? Kasi yun yung time na kinakausap niya ako. Yun yung time na nasasabi kong sobra akong mahal ng Daddy. Para bang bumabait siya kapag nakakainom. =)

Lumipat kami ng bahay. Mas maganda kesa dun sa unang bahay namin. Medyo nakakalungkot nga kasi mamimiss ko ang kanal kong tambayan. Medyo bumuti na din ako at gumaling. Pero nanatili ang daddy sa
ganoong sitwasyon. Every night lasing pa rin siya.

Pinapagalitan niya pa rin ako. Kahit na kababawan e ako lagi ang nakikita. Natuto akong sumagot sa kanya. Lumaban at maglayas (pero sa kanto lang ako =) ). Nung time na yun, napuno na ako, nilalabanan ko siya at sinasagot to the max. Siguro dahil 18 na ako nung mga panahon na yun, alam kong hindi na tamang pagalitan pa ako o sigawan the way that he did since I was a kid. At hindi na rin tamang mag-inom araw araw. Yun ang bad side nya. But the good thing is, he’s a very good provider naman.

8:30 pm. Dumating ang tita ko at may sinabi sa nanay ko. Hindi ko masyadong narinig kasi nag-aaral ata ako nun. Basta ang alam ko. Naaksidente ang Daddy sa kanto at kailangang pumunta ng nanay sa ospital.

Pinagwalang bahala ko yun. Sa isip ko, I’m blaming him kasi inom sya ng inom at kasalanan nya yun. Kaya natulog nalang ako at binantayan ang pinto sa pagbalik ng nanay o kaya ang Daddy.

Umaga. Tanghali. Hindi na bumalik ang nanay. Nagtataka ako kung bakit ganun. Galit ang nararamdaman ko nung mga time nay un. Siguro dahil wala pang pagkain at wala pa akong baon sa school.

Nagpasya akong magtungo sa ospital. Hindi lang para tingnan ang Daddy, para din magreklamo sa Nanay at humingi ng baon. Nagagalit pa ako nun sa Daddy.

Nang makarating ako sa room ng Daddy sa ospital. Nakita ko ang Daddy, (may swero, nakahiga). Mababakas mo ang sobrang hagupit ng aksidente. May blackeye sya at pasa sa may mukha at kamay. Hindi ko napigilan na umiyak. Lumabas ako kasi ayaw kong makita ang Daddy na nasa ganung kalagayan. Ang sakit sakit makita ang aking amang nagdurusa. Kahit alam ng nanay na hihingi lang ako ng baon, alam niyang naawa ako sa Daddy. Umalis ako sa ospital na umiiyak pero hindi ko na pinahalata sa iba.

Nagdaan ang mga araw. Habang nasa school ako, hindi alam na nag-aagaw buhay na pala ang ama ko. Nagcause yung accident eng internal bleeding at pamamaga ng atay. Alam kong ang nanay ang nagpapakatatag sa mga oras ng dagok na yun sa buhay namin. Napatunayan namin na maraming nagmamahal sa Daddy. Bumaha ng mga tulong at dasal nun. At naging matagumpay yung operation ng Daddy. At unti-unting bumalik ang lahat sa normal.

Kaya ngayon, kapag nakita nyo ang Daddy. Hindi nyo mababakas sa kanya na naaksidente siya. Mataba na ulit kasi. =)

Isang aksidente na nagpaunawa sa akin at nagturo sa akin na magpahalaga sa mga bagay na mayroon na ako. Masaya ako dahil binigyan pa ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon na makasama ulit siya. Ang aksidenteng yun ang nagpapaalala sa akin na kahit anu mang mangyari, mas masaya pa rin kapag kapiling mo ang mga mahal mo sa buhay.

Natutunan kong maging maunawain. Natutunan kong magtiis, at huwag magreklamo. Nalaman kong mahal na mahal ako ng Diyos. Nalaman ko kung gaano ba kahirap ang mawalan ng isang ama. Simula ng aksidenteng yun, bawat araw ay bagong buhay para sa akin at para sa amin. Wala na akong pakialam kung hindi man ako perfect son para sa Daddy. Basta ang alam ko mahal na mahal ko siya at ang buong pamilya ko. Ang alam ko, masaya akong tinatahak ang panibagong hamon ng buhay kasama sila.

Magpahalaga lang tayo sa kung anung meron tayo. The more na nagrereklamo tayo, the more tayo ay mahihirapan. Hangga’t andyan pa sila, mahalin natin sila at intindihin.

Comments are welcome.
Tyko_engineer27@gmail.com

Wednesday, April 15, 2009

Buhay Divinista



Buhay Estudyante
(Ang Kwento ko sa loob ng Divine)



Ang mga sumusunod na inyong mababasa ay mga kwentong ayon sa aking obserbasyon, mga tunay na pangyayari, aking mga karanasan at mga tunay na kwento sa loob ng DWCC.

Divinista—mga taong nag-aaral sa Divine Word College of Calapan. Isang institusyon sa gitna ng Calapan. Leuterio St. Calapan City Oriental Mindoro, complete address ng school ko.

Bakit ako napunta sa Divine?

Sa LEMNAHIS ako pumasok nung high school, JJ kung tawagin nila, halos magkalapit lang yung pinag-high schoolan ko at ang Divine. Dahil nga sa hindi nga kami ganun kayaman nun, hindi na rin ako nangahas kumuha ng UPCAT (entrance exam sa University of the Philippines) kasi alam ko namang imposible pa na makapasok ako dun.
Ordinaryong tao lang ako, simple, at hindi rin naman ako ganun kagaling sa school. May alam din pero hindi ganun katalinuhan.
Tanda ko pa nun, sabi ng Daddy sa’kin kung ano daw gusto kong course sa college. E wala naman akong maisip nun so I decided na commerce na lang kasi yun din naman ang course ng Daddy nun e, pero sabi nya tumigil na daw ako, pero ng sinabi ko na Engineering na lang, Aba at pumayag. Siguro dahil nung college e yun ang frustration nya—ang maging engineer, kaso hindi naman sya pinag-aral ng lola e, ewan ko nga ba, kukwento ko sainyo ang kwento ng Daddy sa next kong blog.
So iyon ang napakawalang kwentang dahilan kung bakit ako naging engineering student. Pero malaki din ang impluwensya ng ate ko, ewan ko nga ba kung bakit gusto nya akong maging engineering student ng Divine..?


Enrolment..
Syempre kabado ako, kasama ko ang ate nun, ang baduy baduy ko pa. Polo at maong—yan ang mga porma ko nun. Ang daming nag-papaenrol, kung saan san galing. May mga sosyal, weird, nerd at kung anu anu pa. Syempre kapag may kakilala ako, nagtatanungan. At proud pa ako nun na sabihing Engineering ang kukunin kong course. So pumunta ako ng guidance, ayos nga e kasi kaibigan ng ate yung nagpapakuha ng exam. Medyo napadali ako. Sabak agad ako sa entrance exam para sa engineering. Pagkita ko ng mga tanong, WOW! Anung mga tanong ito. Nosebleed. Bale, 4 na oras ata akong nagtagal dun at kinabukasan bumalik ako para malaman ang result, at sa awa naman ng Diyos, PASSED. Nakakatuwa nga. So regular na akong nag-enroll patanga tanga pa ako nun. Unang kabatch ko na nakilala ko na nagpapaenroll din ay si Ederick Boonggaling, di ko akalain na valedictorian pala yun sa San Teodoro, ang galing.

So sa Divine ang magiging favorite number mo ay yung ID no. mo. 24671, kahit tulog saulo ko yan. 24671! Pagakuha ko ng subjects ko diretso print ng class schedule ko. Taz umuwi na ako. Nang mga araw na yun nalula ako sa laki ng tingin ko sa Divine. Hayyy.. First step..


First Day Hi!

Syempre unang araw ng klase, mapapansin mong andaming mga first year na nagkalat at kokonte ang higher year (siguro dahil alam na nilang wala pang klase nun).
Dahil pinagsabihan ako ng ate na wag mag-uniform muna, e di hindi nga ako nag-uniform pero pasalamat ako’t hindi nga ako nag-uniform kasi mga taga-bukid ang nag-uniform, nakakahiya.

Unang meeting ng klase ko. 7:00 AM Room 304 ACD ReEd 1. So puro first year ang mga kaklase ko. Mga kabatch ko pa. Nung una sa likod ako tumayo, kaso sabi ng teacher ko masyado daw akong maliit para umupo sa likod.aw.ansakit.haha. So simula pa lang ng college e syempre kopya kopya, parang nung high school. Todo kopya ng lectures, todo aral. Masaya naman sa unang sem hanggang sa unti unti kong nakita ang katotohanang hindi pala nagchecheck ng notebook sa college kaya ng mga sumunod pa hindi na ako naglelecture. Pero sa minor lang, kelangan ko ng lecture sa plate sa majors ko e.

Masaya naman ang unang araw ng klase ko, Algebra, Trigonometry, at English 1. exciting yung bagong yugto ng pag-aaral. Sa unang beses ng pagpasok ko, maraming bagong hamon. Bagong pakikipagsapalaran at pakikitunguhan.


First Year Engineer

Unang araw ng Drawing subject ko sa isang architect pinabili na agad kami ng mga gamit. Dito ko unang naramdaman ang hagupit ng kamahal mahalang pag-aaral ng eng’g. Bale, T-square, scale, techpen, compass at kung anu anu pang staedtler na gamit ang binili ko, mahigit 3000 pesos sa unang taon. WOW.

Malalaman mong First Year Engineering student kung:

1. Naglalakad papuntang ACD na may sabit sa balikat na T-square at take note may kasamang Tube(lalagyan ng plano).
2. Kapag biyernes laging suot ang Engineering Department T-shirt.
3. Laging present sa meetings.
4. Present din pag may seminar, syempre takot sa prof nya.
5. At masyadong aktib sa buhay (pati pagiging refresher sa intrams pinapatulan maka-plus 50 pts. Lang sa Midterm).

Engineering – The Course of Survival

Mabibilang mo ang mga nakakagradute ng engineering, mga lima sa bawat course, (coe, ce at ece) minsan pito pero minsan umaabot ng labing lima, (kasama na yung lahat ng batch last year, Veterans kung tawagin).

May pitong stages ang Engineering sa Divine.

Freshmen- mga estudyanteng atat mag-aral, takot sa teacher, present lagi sa meetings, at nauuto ng higher year.

Sophomores- sila naman yung pinaka hindi napapansin. Dahil nga hindi na sila ang “babies” ng department, kalimitan eto na yung stage na mararamdan mong hindi ka na binibigyan ng atensyon.

Juniors- Dito mo na mararamdamang pasan mo ang mundo, sa CE eto na yung time na mangingitim ka na dahil sa surveying, sa ECE at COE naman dito mo na mararamdaman ang hagupit ng Circuits at Elecs.

Seniors- Eto yung stage na sobra akong nahirapan, sabay sabay kasi ang mga projects, designs, at plates na ginagawa ko. Dito ko din unang sinabing Engineer na ako. Sa stage na to, mejo actng Kuya at Ate na. Syempre patuitor-tuitor na sa mga first year, pero ang tototo nililigawan na pala.

Graduatings- Sa stage na to mangangarap ka ng grumaduate, iniisip mo na kung san ka magrereview at kung san ka magtratrabaho. Medyo kinakabahan ka na pagdating sa stage na to, lahat na ng santo tatawagin mo, at lahat na ng technique gagawin mo para lang makapasa. Sila yung mga leaders, dahil matatanda na sila, sila ang mga ginagalang sa department.

Veterans- Sila naman yung anim na taon sa Divine, mga taong dinidugo na sa kaaaral. Pero Engineering naman yung course kaya ok lang naman. Kalimitan, dahil sa kokonti na ang subject, madalas silang nakikitang nakatambay sa kiosk.


Senior Citizens- Dito papasok yung mga pito hanggang walong taon na sa Engineering. Kalimitan, hindi na sila nagpapakita sa skul. Pumapasaok na lang sa subject tapos sabay uwi dahil sa sobrang kahihiyan. Sila yung mga bangahan na sa pag-aaral. Pero gaya nga ng Veterans, accepted naman kasi Engineering naman yung course.


Hindi naman lahat ng nag-eengineering sa Divine e nakakatapos. Hindi din dahil matalino ka papasa ka na sa engineering. Maraming factors ang kailangan mong gawin para makasurvive.

Noong first year ako, me mahigit 25 ata kaming nag-enrol sa CE. Marami na daw yun, pero ewan ko nga ba, sa bawat sem na lumilipas, nababawasan na kami. At ngayong fifth year na kami. Out of 25, apat na lang kaming nagsurvive. Para kaming salaan na sinasala kada semester.

Mahirap talaga ang engineering. Masasabi kong ang pinaka-pakialamerong course ang civil engineering. Ewan ko nga ba lahat na e pinag-aralan namin, Kagaya ng bato, tubig, semento, buhangin, daan, water cycle, earthquake, motorsiklo, refrigerator, makina ng kotse, discharge ng tubig, precipitation ng ulan, sukat ng lupa, layer ng lupa, bakal, tubo, snow, paglutang ng bagay sa tubig at kung anu anu pa. Pero alam ko namang kasama yun sa paghasa samin. At nagagamit talaga namin yun. Yung iba e hindi pala.

Masaya naman ang engineering lalo na kapag nag-susurveying kami. Syempre pasikat kami. Silip dito, silip dun. Pero wag ka’t ang laging biro na maririnig mo sa mga nakakakita ay: “Tagal na tagal ng sinusukat yang field na yan, hindi pa rin alam kung ano ang sukat?”. May iba namang nakikisilip, wag ka’t crush lang ang sinisilip.

Kung makakaabot ka ng fifth year o higit pa sa engineering, dapat kang hangaan. Dahil nalampasan mo ang hamon. Kung naging matagal ka man, ayos lang yun. Ang mahalaga natuto ka at napatunayan mong kaya mo ang hindi nakaya ng iba dahil sa Engineering Department, if you survived, You rock! (seryoso!)

Para naman sa mga taga divine, ang magreact guilty!

Divinista Ka Kung..

1. Nag-aaral ka sa Divine Word College of Calapan. (malamang)

2. Tumatambay ka sa kiosk, batibot, at sa mga bakanteng classroom pag walang klase.

3. Hindi mo alam ang lyrics ng Hail Thee at nilalaksan mo lang ang boses mo kapag Oh Alma matter na…. (sapol?! =) ).

4. Umuupo ka na pagkatapos kantahin ang Lupang Hinirang sa Mr. and Ms. DWCC at Intramurals.

5. Ang habol mo lang sa meeting ay hindi ang meeting talaga, kundi ang wag magkaroon ng mataas na fines.

6. Ayaw mong dumaan sa gitna ng daan papuntang ACD pag tanghali dahil mainit, at kapag walang init dahil medyo nakakahiya.

7. Bawat semester ay bumibili ka ng pink card sa cashier.

8.Tinatakpan mo ang picture mo kapag nagswipe ka ng ID pag kukuha ka ng account slip dahil kitang kita ito ng mga nadaan.

9. Hinihintay mo na magring ng tatlong beses ang bell dahil yun ang sign na walang pasok.

10. Makakatanggap ka ng text message galing kay Fr. Bar na nagsasabi kung may pasok o wala.

11. Madalas kang napapagalitan at lagi mong naririnig ang bell ng library dahil sa sobrang ingay mo.

12. Natutulog ka sa Graduate section.

13. Nanghihingi ka ng internet hour sa kaibigan mo, at kahit hindi mo kaclose hihingan mo nito.

14. Kapag naglalakad ka ng mga bandang 6:00 pm ay binibilisan mo ang lakad mo dahil baka abutan ka ng Angelus.

15. Lumilingon ka lagi sa bintana kapag may taong napasigaw sa labas ng classroom nyo.

16. Mas preferred mong lumabas sa entrance gate kesa sa exit gate kung palabas ka na ng school.

17. Tinatanong mo ang kasunod mong magpapazerox sayo kung mahaba ba ang ipapazerox nya kahit hindi naman kayo talaga magkakilala.

18. Magkikita ka ng mga emo na nakaupo sa may lobby.

19. Kahit basag na ang ID mo, hindi mo ito mapalitan dahil sa 90 pesos na bayad dito.

20. Nililigpit mo ang pinagkainan mo sa canteen kahit may mga katulong naman dun.

Hindi naman ito generalized, majority lang. maaring isa lang sa mga ito ang nagagwa mo. Pero kapag may routine ka ni-isa sa mga nabanggit. CERTIFIED DIVINISTA ka!

Estudyante nga naman..

Hindi ko alam kung bakit modernized na angayon ang mga estudyante. Maramimng mga pangyayari at obserbasyon ang napapansin ko sa mga estudyante sa mga panahon na ito.

BAKIT ANG MGA ESTUDYANTE NGAYON..

Alam ang mga storm signals? Kahit hindi naman si Ernie Baron, alam kung kelan me bagyo at anong storm signal nito.
Updated sa Holidays, pati Ramadan ng Muslim alam, pati nga Departamental Assembly at Meeting ng Faculty alam nila.
Kapag ang nakapost sa bulietin board sa lobby ay mga tungkol sa mga activities sa skul walang pakealam, pero kapag mga candidates na ng Mr. and Ms. Intrams parang A Very Special Love ang dumugan?

to be continued..