Dalawang Kwento
Unang Kwento:
Kalakasan ng bagyong Ondoy:
Isang lalaki ang nanatili sa kanyang bahay. Kahit lumalaki na ang tubig ay nanatili pa din sya sa loob ng bahay nila. May dumaang Bangka sa tapat ng bahay nila.
Rescuer: Pare! Halika na ditto, tumataas na ang tubig baka malunod ka?! Iwan mo na ang bahay mo at sumama na sa amin!
Juan: Hindi pare, nagdasal ako ke Lord! Huhupa din yan mamaya. May tiwala ako sa kanya!
Umalis ang rescuer at nanatili si Juan sa kanyang bahay. 3 oras ang nakakaraan at ang tubig ay lalong tumaas. Si Juan naka-upo sa bubong nang biglang may helicopter na dumaan.
Rescuer: Pare, sumama ka na sa amin. Tataas pa ang tubig! Halika na at ililigtas ka namin!
Juan: Hindi! Nagdasal ako ke Lord! Huhupa din yan mamaya! May tiwala ako sa kanya!
Umalis ang helicopter at naiwan si Juan. Hanggang sa patuloy na tumaas ang tubig at si Juan ay namatay.
Sa Langit: Galit na galit si Juan na pumunta ke Jesus.
Juan: Lord, bakit ganun? Bakit mo ako pinabayaang mamatay?! Nagdasal naman po ako ah? Bakit mo ako pinabayaan?
Jesus: Aba?! Ewan ko? Basta ang alam ko nagpadala ako dun ng isang Bangka at isang helicopter?
Ikalawang kwento:
Lumubog ang barko at isang lalaki ang nakaligtas. Dinala sya ng alon sa isang isla. Nagdasal sya ke Lord n asana may dumaang mga barko para marescue sya. Dumaan ang mga lingo at bigo sya na makaalis ng isla. Nag decide nalang sya na gumawa ng bahay sa isla at dun nalang manirahan.
Isang araw, sa di inaasahang pangyayari—Nasunog ang bahay na tinayo nya. Halos galit nag alit ang lalaki sa pagkasunog ng bahay nya.
Lalaki: Lord! Anu po bang kasalanan ko sa inyo at pinahihirapan nyo ako ng ganito?! Tinanggap ko na nga po na ditto nalang tumira pero anong ginawa nyo? Sinunog nyo pa po ang bahay ko?
Halos galit at poot ang naramdaman ng lalaki. Makalipas ang ilang oras—may dumating na barko. Laking tuwa ng lalaki at sa wakas tapos na ang paghihirap nya.
Lalaki: Pare, paano nyo ako natunton sa isla na ito?
“Nakita kasi naming pare yung usok na ginawa mo e.” wika ng tumulong sa kanya.
Sa magkaibang kwento sa taas sumasalamin ang dalawang magkaibang bagay tungkol sa pagdadasal.
Sa unang kwento, nakita natin kung paano napahamak si Juan sa pagmamatigas. Gumagawa si Lord ng paraan para matugunan ang panalangin natin pero minsan, hindi natin ito napapansin kasi gusto nating ipagpilitan ang gusto nating mangyari.
Sa ikalawang kwento, sinasabi sa atin na lahat ng bagay ay may tamang panahon. Hindi parang soda machine ang pagdadasal na kapag hinulugan mo ng barya agad na ibibigay sayo ang gustuhin mo. May panahon para sa lahat.
Matuto tayong magdasal, maghintay at magtiwala sa kanya. Pero sabi nga—Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kaya magdasal lang ng may kababaang loob at gumawa tayo ng tama.
“Prayer is not asking. It is a longing of the soul. It is daily admission of one's weakness. It is better in prayer to have a heart without words than words without a heart.” – Mahatma Gandhi