Sunday, April 26, 2009

An Accident that Changed Me

“Isang aksidente na nagpaunawa sa akin at nagturo sa akin na magpahalaga sa mga bagay na mayroon na ako…”

Share ko lang ang isang piraso ng aking karanasan sa buhay na hanggang ngayon ay hindi ko makakalimutan. Isang karanasang nagpabago sa buhay ko. Nagbigay sa akin ng aral at inspirasyon.

Nagsimula ang lahat ng noong bata pa lamang ako. Isa ako sa apat na anak ng aking mga magulang. Maagang namatay ang kapatid kong padalawa (Mark Francis) kaya ako na lang ang natirang lalaki.

Lumaki akong kakambal ang salitang “mahina”. Siguro dahil may sakit ako, at hindi tulad ng ibang bata lagi akong nasa bahay. Nagsimula akong magkasakit ng mga bandang Grade 4 at nagpatuloy pa. Bawal akong maglaro ng mabibigat, magpaulan, magpa-araw at tumakbo. Pero ang gusto ko lang sa mga panahong na may sakit ako e, matulog at walang ginagawa sa buhay.

Marami akong hindi naranasan dahil sa sakit na yun, i. e., campings, street dancing competitions, kahit sa School Meet hindi din ako pinapayagang lumaro. Pero hindi ko naman sila masisisi, alam ko para sa akin din naman yun.

Siguro dahil sa pagiging mahina ko, hindi ko naging ganun kaclose ang Daddy. Siguro nararamdaman kong hindi ako ang ideal son nya. I mean it, Mama’s boy ako. Lumaki na akong emo in born. Laging mag-isang kinikimkim ang problema.

Maraming sigaw, iyak at pagtatago sa Daddy akong naransan nung time na yun. Lagi niya akong sinisigawan, kapag umuubo lang ako (siguro dahil pagod na siyang bumili ng gamut para lang sa akin). Umiiyak na lang ako at nagtatago kapag nangyayari yun. Siguro mga ilang beses ko na ring narinig ang salitang “pabigat” sa buhay ko. Minsan nga naging tambayan ko na ang kanal sa likod ng CR e, mas mabuti ang pakiramdam ko kapag nandoon ako.

Mabait naman ang Daddy. Soobrang bait. Laging nagpapatawa. Siguro dun ko namana yung pagiging masayahin ko sa buhay. Pero tulad ng iba, may bisyo siya nun. Mag-inom ng alak. Common na sa Daddy nun ang mag-inom araw araw. Minsan sa umaga, minsan sa hapon. Pero mas masaya ako kapag nalalasing siya. Bakit? Kasi yun yung time na kinakausap niya ako. Yun yung time na nasasabi kong sobra akong mahal ng Daddy. Para bang bumabait siya kapag nakakainom. =)

Lumipat kami ng bahay. Mas maganda kesa dun sa unang bahay namin. Medyo nakakalungkot nga kasi mamimiss ko ang kanal kong tambayan. Medyo bumuti na din ako at gumaling. Pero nanatili ang daddy sa
ganoong sitwasyon. Every night lasing pa rin siya.

Pinapagalitan niya pa rin ako. Kahit na kababawan e ako lagi ang nakikita. Natuto akong sumagot sa kanya. Lumaban at maglayas (pero sa kanto lang ako =) ). Nung time na yun, napuno na ako, nilalabanan ko siya at sinasagot to the max. Siguro dahil 18 na ako nung mga panahon na yun, alam kong hindi na tamang pagalitan pa ako o sigawan the way that he did since I was a kid. At hindi na rin tamang mag-inom araw araw. Yun ang bad side nya. But the good thing is, he’s a very good provider naman.

8:30 pm. Dumating ang tita ko at may sinabi sa nanay ko. Hindi ko masyadong narinig kasi nag-aaral ata ako nun. Basta ang alam ko. Naaksidente ang Daddy sa kanto at kailangang pumunta ng nanay sa ospital.

Pinagwalang bahala ko yun. Sa isip ko, I’m blaming him kasi inom sya ng inom at kasalanan nya yun. Kaya natulog nalang ako at binantayan ang pinto sa pagbalik ng nanay o kaya ang Daddy.

Umaga. Tanghali. Hindi na bumalik ang nanay. Nagtataka ako kung bakit ganun. Galit ang nararamdaman ko nung mga time nay un. Siguro dahil wala pang pagkain at wala pa akong baon sa school.

Nagpasya akong magtungo sa ospital. Hindi lang para tingnan ang Daddy, para din magreklamo sa Nanay at humingi ng baon. Nagagalit pa ako nun sa Daddy.

Nang makarating ako sa room ng Daddy sa ospital. Nakita ko ang Daddy, (may swero, nakahiga). Mababakas mo ang sobrang hagupit ng aksidente. May blackeye sya at pasa sa may mukha at kamay. Hindi ko napigilan na umiyak. Lumabas ako kasi ayaw kong makita ang Daddy na nasa ganung kalagayan. Ang sakit sakit makita ang aking amang nagdurusa. Kahit alam ng nanay na hihingi lang ako ng baon, alam niyang naawa ako sa Daddy. Umalis ako sa ospital na umiiyak pero hindi ko na pinahalata sa iba.

Nagdaan ang mga araw. Habang nasa school ako, hindi alam na nag-aagaw buhay na pala ang ama ko. Nagcause yung accident eng internal bleeding at pamamaga ng atay. Alam kong ang nanay ang nagpapakatatag sa mga oras ng dagok na yun sa buhay namin. Napatunayan namin na maraming nagmamahal sa Daddy. Bumaha ng mga tulong at dasal nun. At naging matagumpay yung operation ng Daddy. At unti-unting bumalik ang lahat sa normal.

Kaya ngayon, kapag nakita nyo ang Daddy. Hindi nyo mababakas sa kanya na naaksidente siya. Mataba na ulit kasi. =)

Isang aksidente na nagpaunawa sa akin at nagturo sa akin na magpahalaga sa mga bagay na mayroon na ako. Masaya ako dahil binigyan pa ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon na makasama ulit siya. Ang aksidenteng yun ang nagpapaalala sa akin na kahit anu mang mangyari, mas masaya pa rin kapag kapiling mo ang mga mahal mo sa buhay.

Natutunan kong maging maunawain. Natutunan kong magtiis, at huwag magreklamo. Nalaman kong mahal na mahal ako ng Diyos. Nalaman ko kung gaano ba kahirap ang mawalan ng isang ama. Simula ng aksidenteng yun, bawat araw ay bagong buhay para sa akin at para sa amin. Wala na akong pakialam kung hindi man ako perfect son para sa Daddy. Basta ang alam ko mahal na mahal ko siya at ang buong pamilya ko. Ang alam ko, masaya akong tinatahak ang panibagong hamon ng buhay kasama sila.

Magpahalaga lang tayo sa kung anung meron tayo. The more na nagrereklamo tayo, the more tayo ay mahihirapan. Hangga’t andyan pa sila, mahalin natin sila at intindihin.

Comments are welcome.
Tyko_engineer27@gmail.com

Wednesday, April 15, 2009

Buhay Divinista



Buhay Estudyante
(Ang Kwento ko sa loob ng Divine)



Ang mga sumusunod na inyong mababasa ay mga kwentong ayon sa aking obserbasyon, mga tunay na pangyayari, aking mga karanasan at mga tunay na kwento sa loob ng DWCC.

Divinista—mga taong nag-aaral sa Divine Word College of Calapan. Isang institusyon sa gitna ng Calapan. Leuterio St. Calapan City Oriental Mindoro, complete address ng school ko.

Bakit ako napunta sa Divine?

Sa LEMNAHIS ako pumasok nung high school, JJ kung tawagin nila, halos magkalapit lang yung pinag-high schoolan ko at ang Divine. Dahil nga sa hindi nga kami ganun kayaman nun, hindi na rin ako nangahas kumuha ng UPCAT (entrance exam sa University of the Philippines) kasi alam ko namang imposible pa na makapasok ako dun.
Ordinaryong tao lang ako, simple, at hindi rin naman ako ganun kagaling sa school. May alam din pero hindi ganun katalinuhan.
Tanda ko pa nun, sabi ng Daddy sa’kin kung ano daw gusto kong course sa college. E wala naman akong maisip nun so I decided na commerce na lang kasi yun din naman ang course ng Daddy nun e, pero sabi nya tumigil na daw ako, pero ng sinabi ko na Engineering na lang, Aba at pumayag. Siguro dahil nung college e yun ang frustration nya—ang maging engineer, kaso hindi naman sya pinag-aral ng lola e, ewan ko nga ba, kukwento ko sainyo ang kwento ng Daddy sa next kong blog.
So iyon ang napakawalang kwentang dahilan kung bakit ako naging engineering student. Pero malaki din ang impluwensya ng ate ko, ewan ko nga ba kung bakit gusto nya akong maging engineering student ng Divine..?


Enrolment..
Syempre kabado ako, kasama ko ang ate nun, ang baduy baduy ko pa. Polo at maong—yan ang mga porma ko nun. Ang daming nag-papaenrol, kung saan san galing. May mga sosyal, weird, nerd at kung anu anu pa. Syempre kapag may kakilala ako, nagtatanungan. At proud pa ako nun na sabihing Engineering ang kukunin kong course. So pumunta ako ng guidance, ayos nga e kasi kaibigan ng ate yung nagpapakuha ng exam. Medyo napadali ako. Sabak agad ako sa entrance exam para sa engineering. Pagkita ko ng mga tanong, WOW! Anung mga tanong ito. Nosebleed. Bale, 4 na oras ata akong nagtagal dun at kinabukasan bumalik ako para malaman ang result, at sa awa naman ng Diyos, PASSED. Nakakatuwa nga. So regular na akong nag-enroll patanga tanga pa ako nun. Unang kabatch ko na nakilala ko na nagpapaenroll din ay si Ederick Boonggaling, di ko akalain na valedictorian pala yun sa San Teodoro, ang galing.

So sa Divine ang magiging favorite number mo ay yung ID no. mo. 24671, kahit tulog saulo ko yan. 24671! Pagakuha ko ng subjects ko diretso print ng class schedule ko. Taz umuwi na ako. Nang mga araw na yun nalula ako sa laki ng tingin ko sa Divine. Hayyy.. First step..


First Day Hi!

Syempre unang araw ng klase, mapapansin mong andaming mga first year na nagkalat at kokonte ang higher year (siguro dahil alam na nilang wala pang klase nun).
Dahil pinagsabihan ako ng ate na wag mag-uniform muna, e di hindi nga ako nag-uniform pero pasalamat ako’t hindi nga ako nag-uniform kasi mga taga-bukid ang nag-uniform, nakakahiya.

Unang meeting ng klase ko. 7:00 AM Room 304 ACD ReEd 1. So puro first year ang mga kaklase ko. Mga kabatch ko pa. Nung una sa likod ako tumayo, kaso sabi ng teacher ko masyado daw akong maliit para umupo sa likod.aw.ansakit.haha. So simula pa lang ng college e syempre kopya kopya, parang nung high school. Todo kopya ng lectures, todo aral. Masaya naman sa unang sem hanggang sa unti unti kong nakita ang katotohanang hindi pala nagchecheck ng notebook sa college kaya ng mga sumunod pa hindi na ako naglelecture. Pero sa minor lang, kelangan ko ng lecture sa plate sa majors ko e.

Masaya naman ang unang araw ng klase ko, Algebra, Trigonometry, at English 1. exciting yung bagong yugto ng pag-aaral. Sa unang beses ng pagpasok ko, maraming bagong hamon. Bagong pakikipagsapalaran at pakikitunguhan.


First Year Engineer

Unang araw ng Drawing subject ko sa isang architect pinabili na agad kami ng mga gamit. Dito ko unang naramdaman ang hagupit ng kamahal mahalang pag-aaral ng eng’g. Bale, T-square, scale, techpen, compass at kung anu anu pang staedtler na gamit ang binili ko, mahigit 3000 pesos sa unang taon. WOW.

Malalaman mong First Year Engineering student kung:

1. Naglalakad papuntang ACD na may sabit sa balikat na T-square at take note may kasamang Tube(lalagyan ng plano).
2. Kapag biyernes laging suot ang Engineering Department T-shirt.
3. Laging present sa meetings.
4. Present din pag may seminar, syempre takot sa prof nya.
5. At masyadong aktib sa buhay (pati pagiging refresher sa intrams pinapatulan maka-plus 50 pts. Lang sa Midterm).

Engineering – The Course of Survival

Mabibilang mo ang mga nakakagradute ng engineering, mga lima sa bawat course, (coe, ce at ece) minsan pito pero minsan umaabot ng labing lima, (kasama na yung lahat ng batch last year, Veterans kung tawagin).

May pitong stages ang Engineering sa Divine.

Freshmen- mga estudyanteng atat mag-aral, takot sa teacher, present lagi sa meetings, at nauuto ng higher year.

Sophomores- sila naman yung pinaka hindi napapansin. Dahil nga hindi na sila ang “babies” ng department, kalimitan eto na yung stage na mararamdan mong hindi ka na binibigyan ng atensyon.

Juniors- Dito mo na mararamdamang pasan mo ang mundo, sa CE eto na yung time na mangingitim ka na dahil sa surveying, sa ECE at COE naman dito mo na mararamdaman ang hagupit ng Circuits at Elecs.

Seniors- Eto yung stage na sobra akong nahirapan, sabay sabay kasi ang mga projects, designs, at plates na ginagawa ko. Dito ko din unang sinabing Engineer na ako. Sa stage na to, mejo actng Kuya at Ate na. Syempre patuitor-tuitor na sa mga first year, pero ang tototo nililigawan na pala.

Graduatings- Sa stage na to mangangarap ka ng grumaduate, iniisip mo na kung san ka magrereview at kung san ka magtratrabaho. Medyo kinakabahan ka na pagdating sa stage na to, lahat na ng santo tatawagin mo, at lahat na ng technique gagawin mo para lang makapasa. Sila yung mga leaders, dahil matatanda na sila, sila ang mga ginagalang sa department.

Veterans- Sila naman yung anim na taon sa Divine, mga taong dinidugo na sa kaaaral. Pero Engineering naman yung course kaya ok lang naman. Kalimitan, dahil sa kokonti na ang subject, madalas silang nakikitang nakatambay sa kiosk.


Senior Citizens- Dito papasok yung mga pito hanggang walong taon na sa Engineering. Kalimitan, hindi na sila nagpapakita sa skul. Pumapasaok na lang sa subject tapos sabay uwi dahil sa sobrang kahihiyan. Sila yung mga bangahan na sa pag-aaral. Pero gaya nga ng Veterans, accepted naman kasi Engineering naman yung course.


Hindi naman lahat ng nag-eengineering sa Divine e nakakatapos. Hindi din dahil matalino ka papasa ka na sa engineering. Maraming factors ang kailangan mong gawin para makasurvive.

Noong first year ako, me mahigit 25 ata kaming nag-enrol sa CE. Marami na daw yun, pero ewan ko nga ba, sa bawat sem na lumilipas, nababawasan na kami. At ngayong fifth year na kami. Out of 25, apat na lang kaming nagsurvive. Para kaming salaan na sinasala kada semester.

Mahirap talaga ang engineering. Masasabi kong ang pinaka-pakialamerong course ang civil engineering. Ewan ko nga ba lahat na e pinag-aralan namin, Kagaya ng bato, tubig, semento, buhangin, daan, water cycle, earthquake, motorsiklo, refrigerator, makina ng kotse, discharge ng tubig, precipitation ng ulan, sukat ng lupa, layer ng lupa, bakal, tubo, snow, paglutang ng bagay sa tubig at kung anu anu pa. Pero alam ko namang kasama yun sa paghasa samin. At nagagamit talaga namin yun. Yung iba e hindi pala.

Masaya naman ang engineering lalo na kapag nag-susurveying kami. Syempre pasikat kami. Silip dito, silip dun. Pero wag ka’t ang laging biro na maririnig mo sa mga nakakakita ay: “Tagal na tagal ng sinusukat yang field na yan, hindi pa rin alam kung ano ang sukat?”. May iba namang nakikisilip, wag ka’t crush lang ang sinisilip.

Kung makakaabot ka ng fifth year o higit pa sa engineering, dapat kang hangaan. Dahil nalampasan mo ang hamon. Kung naging matagal ka man, ayos lang yun. Ang mahalaga natuto ka at napatunayan mong kaya mo ang hindi nakaya ng iba dahil sa Engineering Department, if you survived, You rock! (seryoso!)

Para naman sa mga taga divine, ang magreact guilty!

Divinista Ka Kung..

1. Nag-aaral ka sa Divine Word College of Calapan. (malamang)

2. Tumatambay ka sa kiosk, batibot, at sa mga bakanteng classroom pag walang klase.

3. Hindi mo alam ang lyrics ng Hail Thee at nilalaksan mo lang ang boses mo kapag Oh Alma matter na…. (sapol?! =) ).

4. Umuupo ka na pagkatapos kantahin ang Lupang Hinirang sa Mr. and Ms. DWCC at Intramurals.

5. Ang habol mo lang sa meeting ay hindi ang meeting talaga, kundi ang wag magkaroon ng mataas na fines.

6. Ayaw mong dumaan sa gitna ng daan papuntang ACD pag tanghali dahil mainit, at kapag walang init dahil medyo nakakahiya.

7. Bawat semester ay bumibili ka ng pink card sa cashier.

8.Tinatakpan mo ang picture mo kapag nagswipe ka ng ID pag kukuha ka ng account slip dahil kitang kita ito ng mga nadaan.

9. Hinihintay mo na magring ng tatlong beses ang bell dahil yun ang sign na walang pasok.

10. Makakatanggap ka ng text message galing kay Fr. Bar na nagsasabi kung may pasok o wala.

11. Madalas kang napapagalitan at lagi mong naririnig ang bell ng library dahil sa sobrang ingay mo.

12. Natutulog ka sa Graduate section.

13. Nanghihingi ka ng internet hour sa kaibigan mo, at kahit hindi mo kaclose hihingan mo nito.

14. Kapag naglalakad ka ng mga bandang 6:00 pm ay binibilisan mo ang lakad mo dahil baka abutan ka ng Angelus.

15. Lumilingon ka lagi sa bintana kapag may taong napasigaw sa labas ng classroom nyo.

16. Mas preferred mong lumabas sa entrance gate kesa sa exit gate kung palabas ka na ng school.

17. Tinatanong mo ang kasunod mong magpapazerox sayo kung mahaba ba ang ipapazerox nya kahit hindi naman kayo talaga magkakilala.

18. Magkikita ka ng mga emo na nakaupo sa may lobby.

19. Kahit basag na ang ID mo, hindi mo ito mapalitan dahil sa 90 pesos na bayad dito.

20. Nililigpit mo ang pinagkainan mo sa canteen kahit may mga katulong naman dun.

Hindi naman ito generalized, majority lang. maaring isa lang sa mga ito ang nagagwa mo. Pero kapag may routine ka ni-isa sa mga nabanggit. CERTIFIED DIVINISTA ka!

Estudyante nga naman..

Hindi ko alam kung bakit modernized na angayon ang mga estudyante. Maramimng mga pangyayari at obserbasyon ang napapansin ko sa mga estudyante sa mga panahon na ito.

BAKIT ANG MGA ESTUDYANTE NGAYON..

Alam ang mga storm signals? Kahit hindi naman si Ernie Baron, alam kung kelan me bagyo at anong storm signal nito.
Updated sa Holidays, pati Ramadan ng Muslim alam, pati nga Departamental Assembly at Meeting ng Faculty alam nila.
Kapag ang nakapost sa bulietin board sa lobby ay mga tungkol sa mga activities sa skul walang pakealam, pero kapag mga candidates na ng Mr. and Ms. Intrams parang A Very Special Love ang dumugan?

to be continued..