Sunday, April 26, 2009

An Accident that Changed Me

“Isang aksidente na nagpaunawa sa akin at nagturo sa akin na magpahalaga sa mga bagay na mayroon na ako…”

Share ko lang ang isang piraso ng aking karanasan sa buhay na hanggang ngayon ay hindi ko makakalimutan. Isang karanasang nagpabago sa buhay ko. Nagbigay sa akin ng aral at inspirasyon.

Nagsimula ang lahat ng noong bata pa lamang ako. Isa ako sa apat na anak ng aking mga magulang. Maagang namatay ang kapatid kong padalawa (Mark Francis) kaya ako na lang ang natirang lalaki.

Lumaki akong kakambal ang salitang “mahina”. Siguro dahil may sakit ako, at hindi tulad ng ibang bata lagi akong nasa bahay. Nagsimula akong magkasakit ng mga bandang Grade 4 at nagpatuloy pa. Bawal akong maglaro ng mabibigat, magpaulan, magpa-araw at tumakbo. Pero ang gusto ko lang sa mga panahong na may sakit ako e, matulog at walang ginagawa sa buhay.

Marami akong hindi naranasan dahil sa sakit na yun, i. e., campings, street dancing competitions, kahit sa School Meet hindi din ako pinapayagang lumaro. Pero hindi ko naman sila masisisi, alam ko para sa akin din naman yun.

Siguro dahil sa pagiging mahina ko, hindi ko naging ganun kaclose ang Daddy. Siguro nararamdaman kong hindi ako ang ideal son nya. I mean it, Mama’s boy ako. Lumaki na akong emo in born. Laging mag-isang kinikimkim ang problema.

Maraming sigaw, iyak at pagtatago sa Daddy akong naransan nung time na yun. Lagi niya akong sinisigawan, kapag umuubo lang ako (siguro dahil pagod na siyang bumili ng gamut para lang sa akin). Umiiyak na lang ako at nagtatago kapag nangyayari yun. Siguro mga ilang beses ko na ring narinig ang salitang “pabigat” sa buhay ko. Minsan nga naging tambayan ko na ang kanal sa likod ng CR e, mas mabuti ang pakiramdam ko kapag nandoon ako.

Mabait naman ang Daddy. Soobrang bait. Laging nagpapatawa. Siguro dun ko namana yung pagiging masayahin ko sa buhay. Pero tulad ng iba, may bisyo siya nun. Mag-inom ng alak. Common na sa Daddy nun ang mag-inom araw araw. Minsan sa umaga, minsan sa hapon. Pero mas masaya ako kapag nalalasing siya. Bakit? Kasi yun yung time na kinakausap niya ako. Yun yung time na nasasabi kong sobra akong mahal ng Daddy. Para bang bumabait siya kapag nakakainom. =)

Lumipat kami ng bahay. Mas maganda kesa dun sa unang bahay namin. Medyo nakakalungkot nga kasi mamimiss ko ang kanal kong tambayan. Medyo bumuti na din ako at gumaling. Pero nanatili ang daddy sa
ganoong sitwasyon. Every night lasing pa rin siya.

Pinapagalitan niya pa rin ako. Kahit na kababawan e ako lagi ang nakikita. Natuto akong sumagot sa kanya. Lumaban at maglayas (pero sa kanto lang ako =) ). Nung time na yun, napuno na ako, nilalabanan ko siya at sinasagot to the max. Siguro dahil 18 na ako nung mga panahon na yun, alam kong hindi na tamang pagalitan pa ako o sigawan the way that he did since I was a kid. At hindi na rin tamang mag-inom araw araw. Yun ang bad side nya. But the good thing is, he’s a very good provider naman.

8:30 pm. Dumating ang tita ko at may sinabi sa nanay ko. Hindi ko masyadong narinig kasi nag-aaral ata ako nun. Basta ang alam ko. Naaksidente ang Daddy sa kanto at kailangang pumunta ng nanay sa ospital.

Pinagwalang bahala ko yun. Sa isip ko, I’m blaming him kasi inom sya ng inom at kasalanan nya yun. Kaya natulog nalang ako at binantayan ang pinto sa pagbalik ng nanay o kaya ang Daddy.

Umaga. Tanghali. Hindi na bumalik ang nanay. Nagtataka ako kung bakit ganun. Galit ang nararamdaman ko nung mga time nay un. Siguro dahil wala pang pagkain at wala pa akong baon sa school.

Nagpasya akong magtungo sa ospital. Hindi lang para tingnan ang Daddy, para din magreklamo sa Nanay at humingi ng baon. Nagagalit pa ako nun sa Daddy.

Nang makarating ako sa room ng Daddy sa ospital. Nakita ko ang Daddy, (may swero, nakahiga). Mababakas mo ang sobrang hagupit ng aksidente. May blackeye sya at pasa sa may mukha at kamay. Hindi ko napigilan na umiyak. Lumabas ako kasi ayaw kong makita ang Daddy na nasa ganung kalagayan. Ang sakit sakit makita ang aking amang nagdurusa. Kahit alam ng nanay na hihingi lang ako ng baon, alam niyang naawa ako sa Daddy. Umalis ako sa ospital na umiiyak pero hindi ko na pinahalata sa iba.

Nagdaan ang mga araw. Habang nasa school ako, hindi alam na nag-aagaw buhay na pala ang ama ko. Nagcause yung accident eng internal bleeding at pamamaga ng atay. Alam kong ang nanay ang nagpapakatatag sa mga oras ng dagok na yun sa buhay namin. Napatunayan namin na maraming nagmamahal sa Daddy. Bumaha ng mga tulong at dasal nun. At naging matagumpay yung operation ng Daddy. At unti-unting bumalik ang lahat sa normal.

Kaya ngayon, kapag nakita nyo ang Daddy. Hindi nyo mababakas sa kanya na naaksidente siya. Mataba na ulit kasi. =)

Isang aksidente na nagpaunawa sa akin at nagturo sa akin na magpahalaga sa mga bagay na mayroon na ako. Masaya ako dahil binigyan pa ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon na makasama ulit siya. Ang aksidenteng yun ang nagpapaalala sa akin na kahit anu mang mangyari, mas masaya pa rin kapag kapiling mo ang mga mahal mo sa buhay.

Natutunan kong maging maunawain. Natutunan kong magtiis, at huwag magreklamo. Nalaman kong mahal na mahal ako ng Diyos. Nalaman ko kung gaano ba kahirap ang mawalan ng isang ama. Simula ng aksidenteng yun, bawat araw ay bagong buhay para sa akin at para sa amin. Wala na akong pakialam kung hindi man ako perfect son para sa Daddy. Basta ang alam ko mahal na mahal ko siya at ang buong pamilya ko. Ang alam ko, masaya akong tinatahak ang panibagong hamon ng buhay kasama sila.

Magpahalaga lang tayo sa kung anung meron tayo. The more na nagrereklamo tayo, the more tayo ay mahihirapan. Hangga’t andyan pa sila, mahalin natin sila at intindihin.

Comments are welcome.
Tyko_engineer27@gmail.com

No comments:

Post a Comment