Friday, July 3, 2009

Ang Kwentong Ako Mismo




Kwentong Bayan Muna


Bilang isang blogger, siguro hindi ako makakalusot sa usapin ng ating bayan. Marami na sigurong mga blog about this. Pero I want to express my opnion about this matter. May kilala akong may blog din about this na iniinterogate ng prof nya sa UST. Kaya gusto ko na ding i-tackle yung topic.=)

Napansin ko lang na tayong mga Pilipino, masyadong sensitive. Para sa akin ang isang matatag na bansa ay yung ang lider at ang kanyang miyembro ay nagtutulungan, nag-susuportahan at nagdadamyan sa bawat problemang dumadating sa kanila.

Naisip ko lang kung para saan pa ang pagpapatalsik natin kay Erap nun? Para saan na niluklok natin si Gloria na ngayon ay kinamumuhian at pilit pinatatalsik sa pwestong tayo ang nagluklok? Naisip ko lang. Eto na ba yung tinatawag na pagsisi? Pagsisi sa EDSA 2?

Bakit ngayon, bawat umuupong pinuno ay ating pinipilit ibaba? Ang buhay ay puno ng kamalian. Hindi ito perpekto. Kung nagkamali man ang pinuno natin siguro ay kailangan natin siyang ituwid. Kailangan natin siyang itama sa mabuting paraan. Huwag tayong magpadalos-dalos sa mga aksyon na gagawin natin, isipin na ang pag-sisisi ay laging nasa huli.

Para naman sa ako mismo campaign eto ang line ko. “Ako mismo ang susunod sa mga alituntunin ng lahat ng nasasakupan kong responsibilidad.” “Sa sarili ko sisimulan ang mga pagbabago. Magdarasal. Susunod at Magtatagumpay.”

Tama na ang rally, awayan at kung anu ano pang mga pasaring. Maikli lang ang buhay natin. Ang ikauunlad ng bansa natin ay magsisimula sa sarili natin. Kung paano tayo sususporta sa nakatataas, ganon din siya susuporta sa atin. Kapayaan at pagkakaisa lang ang sagot.

Isang taon na lang bago na ulit ang mamumuno sa atin. Sana wag natin siyang hayaang maligaw ng landas, wag natin siyang hayaang gumawa ng mag-isa. Tulong tulong sana tayo sa paggawa ng bagong Pilipinas at ng bagong Pag-asa

1 comment:

  1. sir / kuya ,
    (Y)
    bahagi po ng aming proyekto sa filipino na isama ang inyong blog na ito :)



    ReplyDelete