MAY mag-asawang matanda na ang nagpunta sa isang hotel sa isang
syudad. 50th anniversary nila nun kaya excited sila na makarating at
makatulog sa isang napakaganda at napakakilalang hotel sa syudad. Sa
pagpasok nila sa hotel, sinamahan sila ng isang lalaki para magtungo sa
kwarto nila. Pumasok sila sa isang silid.
Nagtaka ang babaeng matanda at ito ay napabulalas..”Bakit dito mo
kami dinala!! ang sikip sikip ng kwarto na to! Walang bintana o aircon
man lang?! Ni wala akong nakikitang kakaiba at kama?! Aba Utoy, kung
ganyan lang din naman dito, aalis na lamang kami ng asawa ko!!”
Natahimik ang lalaki at nagwika:”LOLA, wla pa po tayo sa room nyo.. ”Elevator palang po ito”
Ang buhay ng bawat tao ay puno ng mga karanasan at mga pangyayaring bumabago sa tao.
Natawa ako sa istoryang to. Pero behind the story is a lesson that
everyone must realize.God give us problems. Nice fact: kung gaano man
kalaki ang problema mo sa buhay mo, Ganun din ka laki ang puso mo.
Kung wala man ikaw ngayun ng mga bagay na hinahanap mo sa buhay mo,
iyon ay dahil may reason si God para dun. Malay mo may mas magandang
plano pa sya para sayo. Waiting is a virtue. Oftentimes, we blame God. Ba’t ganun Lord?!, Di nyo ba ako mahal?!, Anung nangyayari sa buhay ko?
Tulad ng istorya sa taas, malalaman mo na sa simula kailangan mo lang
maniwala na kung dinala ka ng Diyos sa masikip na lugar, asahan mong
pagkatapos nun ay dadalhin ka nya sa isang maganda at magarang kwartong
pinapangarap mo. Magtiwala ka lang sa itaas.
Ngayon, asa stage ako na asa elevator, masikip. madilim. Pero alam
mo, mabait sya, kasi naglalalakbay ako sa elevator na kasama ang mga
mahal ko sa buhay. puno ng tawa at mga pangarap.
Alam ko magriring din ung elevator at dadalhin ako sa lugar na plano nya saken. At excited na ako
Smile ka lang.
Ang Lumalawak na Teknolohiyang Pumupukaw sa Karunungan ng Tao. Mga Pangyayaring Nagiging Bahagi ng Kasaysayan. Mabuhay Ka!
Thursday, December 19, 2013
Tuesday, March 5, 2013
You Don't Need DSLR Camera to Have Perfect Shots.
Today, I'll share you my dear readers my photos just using my Sony Cybershot Point and Shoot Camera. I'm always envy to my friends who have a DSLR camera. I thought having this cool gadget will make my photos beautiful and good But I found out that it's not true.
In 2011, I bought this Sony Cybershot ( I cant afford to have a DSLR so I just bought the cheaper one). At first I was noob in using my new camera but later on, I'm starting to love my shots. It's always been a frustration of me to become a photographer someday (my friends as models as well :P). Photos below were the results of my very first click.
Very simple shots yet I find it so cool. And the best thing about -- they both love the shots. :) |
Months passed, I used to master my camera's functions. Wherever I go, I'm always with my camera. Here's some of my best shots using my camera.
The MOA Eye-- SM Mall of Asia |
My niece and cousin took pose in our province. So cute! |
A friend of mine, May Ann. I used to put watermarks 'Denxo's Craft' every time I post my pictures. |
I also capture food. I so love macro photography. |
My niece in her emo days. HAHA I can't believe I captured her like this one. |
I called this shot as the balloon vendor. I guess you guessed the title already. It's obvious. |
I really love this shot. I shot this when I was so down and alone. |
Friday, March 1, 2013
Maghintay, Magtiwala.
Dalawang Kwento
Unang Kwento:
Kalakasan ng bagyong Ondoy:
Isang lalaki ang nanatili sa kanyang bahay. Kahit lumalaki na ang tubig ay nanatili pa din sya sa loob ng bahay nila. May dumaang Bangka sa tapat ng bahay nila.
Rescuer: Pare! Halika na ditto, tumataas na ang tubig baka malunod ka?! Iwan mo na ang bahay mo at sumama na sa amin!
Juan: Hindi pare, nagdasal ako ke Lord! Huhupa din yan mamaya. May tiwala ako sa kanya!
Umalis ang rescuer at nanatili si Juan sa kanyang bahay. 3 oras ang nakakaraan at ang tubig ay lalong tumaas. Si Juan naka-upo sa bubong nang biglang may helicopter na dumaan.
Rescuer: Pare, sumama ka na sa amin. Tataas pa ang tubig! Halika na at ililigtas ka namin!
Juan: Hindi! Nagdasal ako ke Lord! Huhupa din yan mamaya! May tiwala ako sa kanya!
Umalis ang helicopter at naiwan si Juan. Hanggang sa patuloy na tumaas ang tubig at si Juan ay namatay.
Sa Langit: Galit na galit si Juan na pumunta ke Jesus.
Juan: Lord, bakit ganun? Bakit mo ako pinabayaang mamatay?! Nagdasal naman po ako ah? Bakit mo ako pinabayaan?
Jesus: Aba?! Ewan ko? Basta ang alam ko nagpadala ako dun ng isang Bangka at isang helicopter?
Ikalawang kwento:
Lumubog ang barko at isang lalaki ang nakaligtas. Dinala sya ng alon sa isang isla. Nagdasal sya ke Lord n asana may dumaang mga barko para marescue sya. Dumaan ang mga lingo at bigo sya na makaalis ng isla. Nag decide nalang sya na gumawa ng bahay sa isla at dun nalang manirahan.
Isang araw, sa di inaasahang pangyayari—Nasunog ang bahay na tinayo nya. Halos galit nag alit ang lalaki sa pagkasunog ng bahay nya.
Lalaki: Lord! Anu po bang kasalanan ko sa inyo at pinahihirapan nyo ako ng ganito?! Tinanggap ko na nga po na ditto nalang tumira pero anong ginawa nyo? Sinunog nyo pa po ang bahay ko?
Halos galit at poot ang naramdaman ng lalaki. Makalipas ang ilang oras—may dumating na barko. Laking tuwa ng lalaki at sa wakas tapos na ang paghihirap nya.
Lalaki: Pare, paano nyo ako natunton sa isla na ito?
“Nakita kasi naming pare yung usok na ginawa mo e.” wika ng tumulong sa kanya.
Sa unang kwento, nakita natin kung paano napahamak si Juan sa pagmamatigas. Gumagawa si Lord ng paraan para matugunan ang panalangin natin pero minsan, hindi natin ito napapansin kasi gusto nating ipagpilitan ang gusto nating mangyari.
Sa ikalawang kwento, sinasabi sa atin na lahat ng bagay ay may tamang panahon. Hindi parang soda machine ang pagdadasal na kapag hinulugan mo ng barya agad na ibibigay sayo ang gustuhin mo. May panahon para sa lahat.
Matuto tayong magdasal, maghintay at magtiwala sa kanya. Pero sabi nga—Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kaya magdasal lang ng may kababaang loob at gumawa tayo ng tama.
“Prayer is not asking. It is a longing of the soul. It is daily admission of one's weakness. It is better in prayer to have a heart without words than words without a heart.” – Mahatma Gandhi
Subscribe to:
Posts (Atom)