Thursday, December 19, 2013

IN GOD'S PERFECT TIME.

MAY mag-asawang matanda na ang nagpunta sa isang hotel sa isang syudad. 50th anniversary nila nun kaya excited sila na makarating at makatulog sa isang napakaganda at napakakilalang hotel sa syudad. Sa pagpasok nila sa hotel, sinamahan sila ng isang lalaki para magtungo sa kwarto nila. Pumasok sila sa isang silid.
Nagtaka ang babaeng matanda at ito ay napabulalas..”Bakit dito mo kami dinala!! ang sikip sikip ng kwarto na to! Walang bintana o aircon man lang?! Ni wala akong nakikitang kakaiba at kama?! Aba Utoy, kung ganyan lang din naman dito, aalis na lamang kami ng asawa ko!!”

Natahimik ang lalaki at nagwika:”LOLA, wla pa po tayo sa room nyo.. ”Elevator palang po ito”

Ang buhay ng bawat tao ay puno ng mga karanasan at mga pangyayaring bumabago sa tao.
Natawa ako sa istoryang to. Pero behind the story is a lesson that everyone must realize.God give us problems. Nice fact: kung gaano man kalaki ang problema mo sa buhay mo, Ganun din ka laki ang puso mo.
Kung wala man ikaw ngayun ng mga bagay na hinahanap mo sa buhay mo, iyon ay dahil may reason si God para dun. Malay mo may mas magandang plano pa sya para sayo. Waiting is a virtue. :) Oftentimes, we blame God. Ba’t ganun Lord?!, Di nyo ba ako mahal?!, Anung nangyayari sa buhay ko?

Tulad ng istorya sa taas, malalaman mo na sa simula kailangan mo lang maniwala na kung dinala ka ng Diyos sa masikip na lugar, asahan mong pagkatapos nun ay dadalhin ka nya sa isang maganda at magarang kwartong pinapangarap mo. Magtiwala ka lang sa itaas.

Ngayon, asa stage ako na asa elevator, masikip. madilim. Pero alam mo, mabait sya, kasi naglalalakbay ako sa elevator na kasama ang mga mahal ko sa buhay. puno ng tawa at mga pangarap.

Alam ko magriring din ung elevator at dadalhin ako sa lugar na plano nya saken. At excited na ako :D

Smile ka lang. :)

No comments:

Post a Comment