Wednesday, March 1, 2017

THE GREATEST STUNTMAN of all TIME

May isang stuntman na kilalang kilala sa isang lugar. Madaming taon na ang nakakalipas ng simula itong maging popular sa lahat ng tao sa bayan dahil sa husay nitong kakisigan at galing sa pagtaon, pagtakbo at pag krus sa matataas na lugar sa pamamagigitan lamang ng paghawak sa patpat.
http://thecrookedheart.typepad.com/



Isang araw, naisipan ng lahat na gawaran siya ng isang prehisteryosong pagkilala. Ngunit bago nya makuha ito, nagkasundo ang lahat na ipagawa sa kanya ang isang bagay na sobrang hirap. Kailangan nyang tumawid mula sa isang gusali papunta sa kabilang gusali nang walang hinahawakang patpat at walang anumang suportang pangkaligtasan. Lubhang mahirap pero pumayag ang stuntman at ito ay kanyang ginawa.

kinja-img.com
Kahit mahirap ang gagawin, sumang ayon ang stuntman sa nais ng kanyang mga kababayan. At sya ay nagtagumpay. 


Halos umapaw ang kasiyahan, palakpakan at maging iyakan sa lugar kung saan nagawa ng stuntman ang kanyang ginawa. Lahat ng tao pinupuri sya at pinapalakpakan sa bagay na nangyari. Ngunit matapos tanggapin ang kanyang award, nagwika ang stuntman.

Sino sa inyo ang nais sumama sa akin na gawin din ang nagawa ko? Wag kayong mag-alala kasama nyo ako. Hindi ko kayo pababayaan.

Tumahimik ang lahat. Lubhang walang ayaw sumama sa kanya sa taas. Lahat natahimik. Lahat natakot.


Nalungkot ang stuntman.

Lahat kayo, pinupuri nyo ako. hinahangaan sa mga bagay na nagawa ko, lahat kayo gustong maging ako, PERO kahit ISA sa inyo WALANG GUSTONG MAGTIWALA SA AKIN?



Monday, March 7, 2016

My 2016 Watson's Sun Warrior Color Run Manila Experience

That was February this year, when me and my officemates agreed to join this Watson's Color Run Manila . Idk. Ive been joining run but I never expect that this will be the coolest run ever in my life.



When I finally got my race kit, I felt very excited. The kit came up with a sun glass, a race shirt, sunblocks, bib and a race accessory. All that for Php. 950.00, but yeah it was all worth it. And we chose to run 5k lang.

We arrived 3:00 AM but the program started around 5:30 AM. (that was quite late)
 I didnt have sleep at all HAHA. But I think this run is not made to know who runs fast but for everyone to be happy and enjoyed life under the sun. 




I realized that me and my three officemates who joined were all single. How ironic na ang Color Run  Manila nalang ang nagbibigay kulay sa mga buhay namin! HAHAHA. So picture doon, monopod dito. Buti nalang at andoon si Yassi Pressman. HAHA! 



The race started with so much energy and fun. So this is not a typical run, it has a lot of twists and obstacles like water blasting, crawling etc.



A photo posted by Dennis Atienza Matchimura (@denxoholic) on

A photo posted by Dennis Atienza Matchimura (@denxoholic) on


To sum up everything, the race was fun to do with your friends, it's fun to be a kid sometimes. I recommend also this to everyone who wants to have a tight bonding with their family. I went home full of color stains all over body, but the experience I gained in joining this race is one of a kind experiences i did in my life! Thank you Color Run Manila! I'll join again next time! :)











This is one of my favorite parts of the race! Party while dancing Chainsmoker's Roses and Tove Lo's Habits
HAHA super enjoy! Also this simultaneous throwing of colors. Ugh! Ang saya! (paulit ulit?) HAHA Sali tayo next time ulit guys! :) 


A video posted by Dennis Atienza Matchimura (@denxoholic) on

Have a blessed week! Share your photos too! God bless everyone!

Wednesday, January 27, 2016

Wednesday, March 18, 2015

TIRADOR. A Life Story For Everyone

Isang araw ay nagbakasyon ang magkapatid na Johnny at Sally sa bahay ng kanilang lola. Excited na excited si Johnny na makapamasyal sa kakahuyan malapit sa likod bahay. Sa wakas ay magagamit na din niya ang paborito niyang laruan, ang tirador na gawa mismo ng kanyang ama.

“Lola, pupunta lang po ako sa may kakahuyan. Babalik din po ako agad.”

Nang marating ang kakahuyan ay nagsimulang maghanap ng ibon si Johnny. Tuwang-tuwa siya ng makita niya ang napakaraming ibon na namamahinga sa mga sanga ng puno. Inilabas ni Johnny angkanyang tirador. Kumuha siya ng maliit na bato na siyang ibinala niya sa kanyang laruan. Pinuntirya ni Johnny ang isang ibon sa sanga. Huminga siya ng malalim at pinakawalan ang binanat na goma ng tirador. Dumerecho ang bato sa katawan ng puno at agad na nakaalpas ang ibon.

“Sayang! Hindi ko tinamaan.”

Hindi sumuko si Johnny. Sinubukan niya muling puntiryahin ang isa pang ibon. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman niya ito tinamaan. Umulit pa si Johnny ng maraming beses subalit inabutan na siya ng dilim ay hindi pa rin siya nakakatama ng kahit na isa.

Dahil dito ay bumalik na lamang si Johnny sa bahay ng kanyang lola. Sa kanyang pagmamasid ay may nakita siyang isang pato na gumagala sa bakuran ng kanyang lola.

“Wow! Pato! Sisiw lang sa kin to. Yari ka sa kin! Bullseye kang pato ka!”

Muli ay inilabas ni Johnny ang kayang tirador. Kumuha siya ng maliit na bato at pinuntirya ang pato. Sa pagkakataong ito ay buo na ang loob ni Johnny na matatamaan na niya ang pinupuntirya niya. Huminga siya ng malalim at pinakawalan ang banat na goma.

Ispluk!

Sapul ang ulo ng pato.

Sa umpisa ay napatalon pa si Johnny nang matamaan niya ang pato. Subalit ng bumulagta ang pato ay bigla na lamang siyang kinabahan. Agad na nilapitan ni Johnny ang naghihingalong pato. Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang nalagutan ng hininga ang kawawang ibon. Dali-daling kinuha ni Johnny ang pato at itinago sa may kakahuyan.

“Hala, Johnny! Lagot ka kay Lola! Pinatay mo yung pato niya!” malakas na hiyaw ni Sally na nasa may likuran lang pala ni Johnny nang mangyari ang insidente.

“Huwag kang maingay Ate, hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang talagang gamitin ang tirador ko. Huwag mo kong isusumbong kay Lola, please.”

“Naku Johnny. Napakahirap naman ng ipinapagawa mo sa akin.
Gusto mo pa akong magsinungaling? Pero sige. Pag-iisipan ko. Teka lang.”

Matapos makapag-isip ni Sally ay nakipagkasundo siya kay Johnny.

“OK. Hindi kita isusumbong kay Lola na napatay mo ang pato niya sa isang kondisyon. Magiging alila kita habang nagbabakasyon tayo dito sa bahay ni lola. Gagawin mo lahat ng ipag-uutos ko. Ibibigay mo ang lahat ng gusto ko. Kung hindi ay tiyak na kakarating kay Lola ang nangyari. Malinaw ba?”

Para hindi mapahamak ay pumayag na rin si Johnny sa kagustuhan ng kanyang ate.

“OK, Ate. Simula ngayon ay alila mo na ako!”

Maya-maya pa ay tinawag na sila ng kanilang lola.

“Sally, Johnny, mga apo, pumasok na kayo dito at maghahapunan na tayo.”

Sa hapag-kainan ay tahimik at tila hindi makabasag pinggan si Johnny. Alam niya na may nagawa siyang isang malaking kasalanan. Nakangiti namang nakatitig sa kanya ang kanyang Ate Sally. Mga titig na tila nangungutya dahil alam niya ang sikreto ni Johnny.

“Johnny. Mukhang wala ka yatang ganang kumain. May sakit ka ba apo ko?”

“Wala po lola, medyo busog pa po kasi ako.” Sagot ni Johnny.

“Busog? E wala ka namang kinain kanina.” sabi ni Sally.

“O sige Johnny, kung tapos ka nang kumain ay magpahinga ka na muna sa sala at kami na ang bahala ni Sally sa mga pinagkainan. Sally, tulungan mo akong magligpit at maghugas ng mga pinggan, ha?!”

“Naku, lola, sabi ni Johnny sa akin kanina na gusto daw po niyang tumulong sa inyo sa kusina. Siya na po ang maghuhugas ng mga pato, este plato. Di ba Johnny? tanong ni Sally kay Johnny habang nandidilat ang mga mata.

“A, opo, Lola. Ako na po ang bahala sa mga pinagkainan.

Magpahinga na po muna kayo ni Ate sa Sally sa sala.”
At habang inililigpit ni Johnny ang mga plato ay binulungan siya ni Sally.

“Tandaan mo, Johnny yung usapan natin. Mamimili ka lang. Plato o pato? Sige, maghugas ka na ng pinggan at manonood lang ako ng tv sa sala.”

Kinabukasan ay maagang gumising sina Johnny at Sally. Mamangka kasi sila at mamimingwit ng isda kasama naman ang kanilang lolo. Nang papaalis na ay bigla silang pinigilan ng kanilang lola.

“Sally, tulungan mo muna ako maghanda ng pananghalian natin. Susunod na lang tayo mamaya sa ilog.”

Nang marinig ang pakiusap ng kanyang lola ay napangiti si Sally.

“Naku, lola, tamang-tama. Gusto kasi ni Johnny na matutong magluto. Kaya sabi niya na siya na muna ang tutulong sa inyo na maghanda ng pananghalian. Tama ba, Johnny?”

Napakamot na lamang ng ulo si Johnny at sinabi.

“Opo, lola. Ako na po ang magpapaiwan kasama niyo. Hayaan na natin si Ate Sally mauna sa ilog kasama si Lolo.”
Bago umalis ay lumapit si Sally kay Johnny at muling bumulong.

“Johnny,tandaan mo ang pinag-usapan natin. Huwag kang sisira sa usapan kung ayaw mong ma-PALO dahil sa PATO. Tulungan mo si Lola diyan at mamangka na kami ni Lolo. Baboo!”

Lumipas ang mga araw at si Johnny ang gumagawa ng mga nakatokang Gawain para kay Sally. Tuwang-tuwang si Sally habang masamang-masama naman ang loob ni Johnny.

At bago matapos ang pagbabakasyon ay hindi na kinaya ni Johnny ang panggigipit sa kanya ng kanyang Ate Sally. Labis na din siyang nakokonsensya sa kasalanang nagawa niya. Dahil dito ay lakas-loob niyang kinausap ang kanyang lola para humingi ng tawad.

“Lola, may aamin po ako sa inyo. Nuong nakaraang linggo ay tinamaan po ng tirador ko ang ulo ng pato sa bakuran niyo. Namatay po ang pato. Sa sobrang takot ko ay itinago ko ang pato sa may kakahuyan. Patawarin niyo po ako kung nagsinunagaling ako sa inyo.”

Bago pa tumulo ang mga luha ni Johnny ay lumuhod ang kanyang lola para yakapin siya.

“Johnny, apo. Ako rin ay may sasabihin sayo. Nasa may bintana lamang ako ng mangyari ang sinasabi mo. Nakita ko lahat ng nangyari. Nagtataka nga ako kung bakit mo hinayaan ang ate Sally mo na alilain ka dahil dito. Hinihintay lang kita na magsabi sa akin. At ngayong inaamin mo na ang iyong pagkakamali ay pinatatawad ka na ni Lola. Mahal na mahal kita, apo ko.”

Matapos nito ay binigyan si Johhny ng kanyang lola ng maliit na bibe.

“Johnny. Tanggapin mo ito. Anak ito ng pato na tinirador mo. Alagaan mo at huwag ka na muling maninirador ng hayop.”

Inalagaan at pinalaki ni Johnny ang bibe na ibinigay sa kanya ng kanyang lola. At simula nuon ay hindi na muling ginamit pa ni Johnny ang kanyang tirador.
photo credits www.pipoyjohn.com

Madalas, kapag nakakagawa tayo ng kasalanan ay agad tayong pinupukol ng pangungutya at pang-aalispusta ng kaaway. May mga boses na pauli-ulit na inuungkat ang iyong nakaraan. Tandaan mo na may Diyos na nakakakita ng lahat. Naruon siya sa may bintana ng langit at sinusubaybayan ang mga kilos mo. At gusto Niyang malaman mo na mahal ka Niya at lagi Siyang handang magpatawad. Huwag mong hayaan na alilain ka ng kaaway. Aminin ang kasalanan, itama ang pagkakamali at tanggapin ang kalayaan ng pagpapatawad ng Panginoon.


Repost. Tambalan 90.7

Thursday, December 19, 2013

IN GOD'S PERFECT TIME.

MAY mag-asawang matanda na ang nagpunta sa isang hotel sa isang syudad. 50th anniversary nila nun kaya excited sila na makarating at makatulog sa isang napakaganda at napakakilalang hotel sa syudad. Sa pagpasok nila sa hotel, sinamahan sila ng isang lalaki para magtungo sa kwarto nila. Pumasok sila sa isang silid.
Nagtaka ang babaeng matanda at ito ay napabulalas..”Bakit dito mo kami dinala!! ang sikip sikip ng kwarto na to! Walang bintana o aircon man lang?! Ni wala akong nakikitang kakaiba at kama?! Aba Utoy, kung ganyan lang din naman dito, aalis na lamang kami ng asawa ko!!”

Natahimik ang lalaki at nagwika:”LOLA, wla pa po tayo sa room nyo.. ”Elevator palang po ito”

Ang buhay ng bawat tao ay puno ng mga karanasan at mga pangyayaring bumabago sa tao.
Natawa ako sa istoryang to. Pero behind the story is a lesson that everyone must realize.God give us problems. Nice fact: kung gaano man kalaki ang problema mo sa buhay mo, Ganun din ka laki ang puso mo.
Kung wala man ikaw ngayun ng mga bagay na hinahanap mo sa buhay mo, iyon ay dahil may reason si God para dun. Malay mo may mas magandang plano pa sya para sayo. Waiting is a virtue. :) Oftentimes, we blame God. Ba’t ganun Lord?!, Di nyo ba ako mahal?!, Anung nangyayari sa buhay ko?

Tulad ng istorya sa taas, malalaman mo na sa simula kailangan mo lang maniwala na kung dinala ka ng Diyos sa masikip na lugar, asahan mong pagkatapos nun ay dadalhin ka nya sa isang maganda at magarang kwartong pinapangarap mo. Magtiwala ka lang sa itaas.

Ngayon, asa stage ako na asa elevator, masikip. madilim. Pero alam mo, mabait sya, kasi naglalalakbay ako sa elevator na kasama ang mga mahal ko sa buhay. puno ng tawa at mga pangarap.

Alam ko magriring din ung elevator at dadalhin ako sa lugar na plano nya saken. At excited na ako :D

Smile ka lang. :)

Tuesday, March 5, 2013

You Don't Need DSLR Camera to Have Perfect Shots.

           Today, I'll share you my dear readers my photos just using my Sony Cybershot Point and Shoot Camera. I'm always envy to my friends who have a DSLR camera. I thought having this cool gadget will make my photos beautiful and good But I found out that it's not true.

        In 2011, I bought this Sony Cybershot ( I cant afford to have a DSLR so I just bought the cheaper one). At first I was noob in using my new camera but later on,  I'm starting to love my shots. It's always been a frustration of me to become a photographer someday (my friends as models as well :P). Photos below were the results of my very first click.



Very simple shots yet I find it so cool. And the best thing about -- they both love the shots. :) 

Months passed, I used to master my camera's functions. Wherever I go, I'm always with my camera. Here's some of my best shots using my camera.

The MOA Eye-- SM Mall of Asia
My niece and cousin took pose in our province. So cute!

A friend of mine, May Ann. I used to put watermarks 'Denxo's Craft' every time I post my pictures.

I also capture food. I so love macro photography.


My niece in her emo days. HAHA I can't believe I captured her like this one. 

I called this shot as the balloon vendor. I guess you guessed the title already. It's obvious. 

I really love this shot. I shot this when I was so down and alone.

I shot this when I went home in Mindoro. They're so happy .


       These are some of my shots that I want you guys to see. It's very simple and not that amazing. But trust me, these pictures really mean a lot to me. Even though these are not that captivating, whenever I see them, it always making me smile. The bottom line here is that, It's not the gadget who makes you a photographer. It's your passion for it. Having just a point and shoot camera makes me feel like I'm one of those pros.

I may not earning money with my photos but I'm earning smiles and friendships. Photography means a lot to me. Not to impress people but to express and to capture every moments I have with my family, friends and the earth. You don't need to have a DSLR to be a photographer, you have to have passion and love for it. 

"Having a DSLR doesnt make you a photographer, DSLR owner perhaps
                                                                                             -Anonymous. 
Have a blessed week! :) 


Friday, March 1, 2013

Maghintay, Magtiwala.


Dalawang Kwento

Unang Kwento:


Kalakasan ng bagyong Ondoy:
Isang lalaki ang nanatili sa kanyang bahay. Kahit lumalaki na ang tubig ay nanatili pa din sya sa loob ng bahay nila. May dumaang Bangka sa tapat ng bahay nila.

Rescuer: Pare! Halika na ditto, tumataas na ang tubig baka malunod ka?! Iwan mo na ang bahay mo at sumama na sa amin!

Juan: Hindi pare, nagdasal ako ke Lord! Huhupa din yan mamaya. May tiwala ako sa kanya!
Umalis ang rescuer at nanatili si Juan sa kanyang bahay. 3 oras ang nakakaraan at ang tubig ay lalong tumaas. Si Juan naka-upo sa bubong nang biglang may helicopter na dumaan.


Rescuer: Pare, sumama ka na sa amin. Tataas pa ang tubig! Halika na at ililigtas ka namin!

Juan: Hindi! Nagdasal ako ke Lord! Huhupa din yan mamaya! May tiwala ako sa kanya!

Umalis ang helicopter at naiwan si Juan. Hanggang sa patuloy na tumaas ang tubig at si Juan ay namatay.
Sa Langit: Galit na galit si Juan na pumunta ke Jesus.

Juan: Lord, bakit ganun? Bakit mo ako pinabayaang mamatay?! Nagdasal naman po ako ah? Bakit mo ako pinabayaan?


Jesus: Aba?! Ewan ko? Basta ang alam ko nagpadala ako dun ng isang Bangka at isang helicopter?



Ikalawang kwento:

Lumubog ang barko at isang lalaki ang nakaligtas. Dinala sya ng alon sa isang isla. Nagdasal sya ke Lord n asana may dumaang mga barko para marescue sya. Dumaan ang mga lingo at bigo sya na makaalis ng isla. Nag decide nalang sya na gumawa ng bahay sa isla at dun nalang manirahan.

Isang araw, sa di inaasahang pangyayari—Nasunog ang bahay na tinayo nya. Halos galit nag alit ang lalaki sa pagkasunog ng bahay nya.

Lalaki: Lord! Anu po bang kasalanan ko sa inyo at pinahihirapan nyo ako ng ganito?! Tinanggap ko na nga po na ditto nalang tumira pero anong ginawa nyo? Sinunog nyo pa po ang bahay ko?
Halos galit at poot ang naramdaman ng lalaki. Makalipas ang ilang oras—may dumating na barko. Laking tuwa ng lalaki at sa wakas tapos na ang paghihirap nya.

Lalaki: Pare, paano nyo ako natunton sa isla na ito?

“Nakita kasi naming pare yung usok na ginawa mo e.” wika ng tumulong sa kanya.


            Sa magkaibang kwento sa taas sumasalamin ang dalawang magkaibang bagay tungkol sa pagdadasal.  

        Sa unang kwento, nakita natin kung paano napahamak si Juan sa pagmamatigas. Gumagawa si Lord ng paraan para matugunan ang panalangin natin pero minsan, hindi natin ito napapansin kasi gusto nating ipagpilitan ang gusto nating mangyari.   

         Sa ikalawang kwento, sinasabi sa atin na lahat ng bagay ay may tamang panahon. Hindi parang soda machine ang pagdadasal na kapag hinulugan mo ng barya agad na ibibigay sayo ang gustuhin mo. May panahon para sa lahat.

 Matuto tayong magdasal, maghintay at magtiwala sa kanya. Pero sabi nga—Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


Kaya magdasal lang ng may kababaang loob at gumawa tayo ng tama.

“Prayer is not asking. It is a longing of the soul. It is daily admission of one's weakness. It is better in prayer to have a heart without words than words without a heart.” – Mahatma Gandhi